Mga Kuwento ng Pag-ibig

Ito ay mga radio scripts ng mga kuwento sa pag-ibig na isinulat ni Gil Lopez Gregorio Sr na kilala bilang Geopoet sa Cyberspace at Gregorio Lopez Moreno sa panulat niya sa radyo brodkast. Ang mga kuwentong ito ay isinahimpapawid sa mga Drama Programs ng Bombo Radyo Philippines. Nais pong ibahagi niya ang mga ito sa lahat ng mga mambabasa sa buong mundo.

Wednesday, November 22, 2006

Isukli Ko Man Saiyo Ang Bulag na Pag-ibig Ko

Sinulat ni: Gil Lopez Gregorio Sr
Direksiyon: Melody Recto
Musika’t Tunog: Ato Reynancia
Teknikal Superbisyon: Gener Gensis
Drama Superbisyon: Josie Bergantin

Music Teaser

Amelia: /sobbing/ .... Malaya ka na, Rommel....puwede mo na akong iwanan... /sniffs/...
Rommel: /taka? Amelia... Bakit?... Hindi mo ba ako mahal?... Bakit ganyan na lamang ang pagtaboy mo sa akin?...
Amelia: /sobbing/... Rommel... Alam kong mahal mo si Jenny... kaya... binibigay ko na saiyo ang iyong kalayaan... makakaalis ka na...
Rommel: Amelia...
Amelia: /Shouts in pain/... Umalis ka na!...

Music Theme
Standard Intro
Music Bridge

Tacing:
/smiles/... Senyorita... Mataas na po ang araw... baka ho makasasama saiyo...
Amelia: /smiles/... Ikaw pala, Tacing... sige... ipasok mo na ako sa loob...
Tacing: Oho... eh Senyorita... tumawag nga ho pala si Rommel... humihingi po ng pera... kasi, kulang daw ho iyong allowance na ibinigay nyo sa kanya nung isang linggo... may mga project daw po siya sa eskuwela eh...
Amelia: O sige... tawagan mo ang bangko... gusto kong makausap ang Manager... para maipadala kaagad...
Tacing: Opo, Senyorita... /self/... Diyosko naman... masyado nang na-spoiled ni Senyorita ang alaga niyang ito... ewan ko ba... ewan ko...

Music Bridge

Rommel: /Happily/... Amelia... love... sorry... hindi kaagad ako nakauwi nung isang linggo... Alam mo na... maraming projects and aking inaayos eh...
Amelia: Kumusta ang pag-aaral mo, Rommel?... Baka nagloloko ka na...
Rommel: Love naman... hindi mangyayari yun... promise... magpapakatino na ako ngayon... papasahan ko lahat ng subject ko...
Amelia: /Smiles/... Dapat lang... graduating ka na ngayon, di ba?... kaya pagsikapan mong makatapos... saiyo rin ang pakinabang nyan...
Rommel: /Mangha/ A-anong sa akin lang?... Sa atin... Love... sa ating dalawa rin...
Amelia: /Smiles/... Salamat naman kung ganun... O, sige na... kumain na tayo.../Trans/... Tacing!.... Tacing!...
Tacing: /Atsom/... Senyorita?!... /Fading in/... Bakit ho?...
Amelia: Ihanda mo na ang mesa... kakain na kami ng Senyorito Rommel mo...
Tacing: Opo, Senyorita...
Rommel: Tacing... Ako na ang magtutulak ng wheelchair niya... sige na... ayusin mo na lang ang mesa...
Tacing: Opo, Senyorito...

Music Bridge
SFX: Telephone Rings

Tacing: Hello?... Sino po sila?...
Jenny: /Filtered/... Hello?... Si Rommel... puwede ko ba siyang makausap?...
Tacing: Ho?... Eh natutulog pa ho eh... napuyat kagabi...
Jenny: Puwede mo ba siyang gisingin?...Emergency lang kamo...
Tacing: /Hastily/... Ho?... Eh sandali lang ho... Ano ho nga pala ang pangalan nyo?...
Jenny: Sabihin mo sa kaniya... kaibigan niya kamo... dalian mo lang...
Tacing: Oho... sandali lang ho... tatawagan ko lang....

Music Bridge

Rommel: Amelia... kaibigan ko lang yun... wala kaming relasyon... hindi ko siya kasintahan..... Ano ka ba?... Nagdududa ka na ba sa akin?....
Amelia: /Firmly/... Gusto ko lang makaseguro, Rommel... Ayaw kong niloloko ako... nais kong huwag kang mag-alangan sa akin na magsabi ng totoo...
Rommel: /Lovingly/... Amelia... Ikaw ang mahal ko... Alam mo yan... hindi kita puwedeng ipagpalit sa kahit na sinong babae... dahil ikaw mismo ang nagpapaaral sa akin...
Amelia: /Sighs Deeply/... O, sige... naniniwala na ako... kailan ang balik mo sa Maynila?...
Rommel: Mamayang hapon pa.... gusto kong sanang ipasyal na muna kita sa kaibigan kong Doktor upang ipa-eksamin kita sa kanya...

Music Bridge

Doktor: Well pare... may konting pag-asa para siya makalakad... kailangan lang ay dadaan siya sa isang extensive at tedious therapy...
Rommel: So... she could possible walk?...
Doktor: Yeah... kaya ang rekomendasyon ko... therapy....
Rommel: /Happily/... Narinig mo yun, Amelia... puwede ka pang makalakad... so... anong kailangang gawin, Doktor?...
Doktor: Welll.... nasa kaniya ang kasunod, Rommel....
Amelia: /Sighs Deeply/... Hindi ko yata kaya ang ibig ninyong gagawin ko...
Rommel: Amelia... kaya mo... kailangan mo lang ang tiwala sa sarili...
Doktor: That’s right, Amelia... your physical problem can be done away only when you cooperate with the theraphy that I have recommended.... there’s no other choice but to do it... if you are interested to walk back...
Amelia: /Sighs?... titingnan ko... pero, hindi ako puwedeng mangako...
Rommel: /Happily/... Good... yan lang ang sagot na gusto kong marinig mula sa mga labi mo.... O, sige... aalis na kami, Dok.... Thank you very much...
Amelia: /Smiles/... Salamat po, Doktor....
Doktor: It’s okey, Amelia... you can come back anytime...
Amelia: Thank you...

Music Bridge

Amelia: /Galit/... Anong ibig mong sabihin sa pagdala mo sa akin sa Doktor?...
Rommel: /Mangha/ Amelia... Bakit?.... Ayaw mo bang gumaling ka?.... Gusto mo bang habangbuhay kang naririyan sa wheelchair mo?....
Amelia: /Firmly/....Oo... dahil gusto ko...
Rommel: Amelia?...
Amelia: /Tearfully/.... Dahil galit ako sa mundo... galit ako sa lahat ng mga pangyayaring ito sa aking buhay.... galit ako saiyo.... dahil ipinamumukha mo sa akin na ako ay isang inutil at walang silbi!...
Rommel: /Apologetically/... No... hindi yan ang nasa isip mo, Amelia... ang gusto ko ay gumaling ka... mag-enjoy sa buhay mo... hindi yung palagi ka lang naririto sa loob ng malaking bahay na ito... gusto kong maita rin kitang naglalakad... kasama ko...
Amelia: /Sobbing/... Rommel...
Rommel: /Apologetically/... I’m sorry, Amelia... hindi ko...
Amelia: Sige na... iwanan mo na muna ako, Rommel... gusto kong mapag-isa....

Music Bridge

Rommel: Aling Tacing... huwag nyo hong pababayaan si Amelia... babalik din ako sa linggong darating...
Tacing: Eh Senyorito... huwag ho kayong mag-aalala... hindi ko naman pinapabayaan si Senyorita Amelia eh...
Rommel: /Smiles/... Salamat... sige ho... aalis na ako...
Tacing: Sige ho, Senyorito...

SFX: Car starts and running then fades out

Tacing: Hay naku.... ang akala ko... hindi mahal ni Senyorito si Senyorita Amelia... kung sabagay... dating masaya naman talaga sila eh... kaya lang, nang madisgrasya si Senyorita.... naging malungkutin na dahil na rin sa pagkalumpo niya... /Sighs/.... Kung sabagay.... mayaman naman si Senyorita eh... kahit na anong gusto niya... magagawa niya... makapagtrabaho na nga...

Music Bridge

Amelia: /Calling/.... Tacing!... Tacing!...
Tacing: /Fading In/.. Senyorita... Bakit po?...
Amelia: Hindi pa ba dumating ang Senyorito mo?...
Tacing: /Smiles/... Hindi pa po... bakit ho?...
Amelia: /Worriedly/... A-ha?.... kuwan... pakitimpla mo nga ako ng gatas, Tacing...
Tacing: Oho, Senyorita.... sandali lang ho...
Amelia: Sige salamat..../Sighs Deeply/... /Self/... Bakit hindi dumarating si Rommel?... Saan siya nagpupupunta?.... B-baka si Jenny na naman na yun.../Sobs/... Rommel.... /Sobbing/.... Rommel....

Music Bridge

Tacing: Samahan ko kayo sa Doktor?... Bakit ho, Senyorita?....
Amelia: Tacing.... huwag ka nang maraming tanong.... basta magbihis ka at samahan mo ako...
Tacing: Sandali lang ho ako, Senyorita...
Amelia: Dalian mo lang... baka mahuli tayo sa appointment ko...
Tacing: /Atsom/ Opo, Senyorita...
Amelia: /Self/... Kailangang makalakad akong muli... paano kong masusubaybayan ang mga kalokohan ni Rommel.... nakakabuwelo siyang magloko...
Tacing: /Fading in/... Ayos na ho, Senyorita... tayo na po...
Amelia: Halika na, Tacing.... pakitulad mo na lang ang wheelchair ko....

Music Finale
Commercial Gap
Music Bridge

Amelia:
/Galit/ Bakit ngayon ka lang?... Isang linggo kitang hinintay... tinawagan kita sa apartment mo... pero, wala ka roon.... may nakapagsabi sa akin na kasama mo raw si Jenny... totoo ba ito?... ha?....
Rommel: /Suya/... So what?... wala naman kaming ginagawang masama ni Jenny eh... we are just friends... so what’s wrong with that?...
Amelia: What’s wrong with that?... Rommel... magdamag akong naghintay saiyo.... umasa akong darating ka... pero, nasaaan ka?...
Rommel: As I’ve already told you... may project lang kami ni Jenny na dapat naming asikasuhin... at wala kaming relasyon... don’t you believe me?...
Amelia: /Sighs Deeply/... Okey... pero... ito lang ang masasabi ko saiyo... kapag nalaman kong may relasyon ka sa kaniya.... puputulin ko ang allowance mo sa akin...
Rommel: /Mangha/... Amelia?... Bakit ba ayaw mo akong paniwalaan, ha?... Bakit?

Music Bridge

Amelia: Ikaw pala si Jenny.... maganda ka nga...
Jenny: A-Amelia?.... Ikaw ba si Amelia?....
Amelia: Oo, Ako nga... Ako ang asawa ni Rommel....
Jenny: Naku... tuloy po kayo... halikayo sa loob....
Amelia: Tacing...
Tacing: Po... ano po, Senyorita?...
Amelia: Itulak mo ang wheelchair ko... gusto kong makausap ng masinsinan si Jenny....
Tacing: Opo...
Amelia: Maganda pala ang bahay nyo...
Jenny: /Smiles/ Hindi naman ho.. dito kasi gustong pa-arkilahin ng Daddy ko kasi... malapit lang sa university... ano po ang gusto nyong inumin?...
Tacing: Gatas... gatas lang miss...
Amelia: No.. thank you na lang, Jenny...
Jenny: So, anong pag-uusapan natin?....
Amelia: Si Rommel... ano ang relasyon mo sa kaniya?...
Jenny: Isang matalik na kaibigan... no more, no less...
Amelia: Hanggang doon lang?...
Jenny: Yes....

Music Bridge

Rommel: Pumunta ka pala sa apartment ni Jenny...
Amelia: Oo... nakita ko siya... mabait siya at maganda... matanong nga kita... gaano mo siya kamahal?....
Rommel: Amelia... wala kaming relasyon... di ba sinabi ko naman yan saiyo...
Amelia: /Sighs Deeply/... Nakita ko ang pagmamalasakit niya saiyo... dedicated siya sa studies niya... ang so are you... so, I think... I will believe you...
Rommel: Amelia... Alam mo naman... simula lang ng kupkupin mo ako... ang lahat ay ginagawa ko para saiyo... para mapaligaya ka... kaya... huwag kang mag-aalala... susuklian ko ng kabutihan ang lahat na tulong na ginawa mosa para sa akin...
Amelia: Sige, Rommel... naniniwala na ako..../Calling/.... Tacing!...
Tacing: /Fading in/...Po!... Bakit ho?...
Amelia: Pakitulad naman ng wheelchair ko...
Rommel: Ako na...
Amelia: No... huwag na... si Tacing na lang... sige na, Tacing....
Tacing: Opo....

Music Bridge

Jenny: Kailan mo sasabihin sa kaniya ang katotohanan, Rommel?...
Rommel: Hindi pa niya dapat na malaman... hangga’t hindi siya magsisikap na makalakad... mananatili ang lihim nating ito...
Jenny: Rommel... ako na ang kinakabahan nito eh...
Rommel: Jenny... ikaw lang ang tanging pag-asa ako para magsikap siyang makalakad... kung wala ka... baka mas lalo akong mapariwara sa ibang walang kuwentang babae... alam mo yun, di ba?...
Jenny: Oo nga... pero...
Rommel: Jenny... sa huling pagkakataon... pagbigyan mo na ang kahilingan ko... kailangan lang talaga ang tulong mo sa bagay na ito... please...
Jenny: /Sighs/... Sige... ikaw ang bahala...

Music Bridge

Rommel: A-anong ibig sabihin nito, Amelia?... Bakit naririto nang lahat ng gamit ko sa labas?... Ha?... Amelia?...
Amelia: /Firmly/... Rommel... wala na tayong dapat pang pag-uusapan... nakita mo... puwede ka nang umalis...
Rommel: Amelia... Bakit?... Ano bang kasalanan ko?...
Amelia: Di ba mahal mo si Jenny?...
Rommel: Amelia...
Amelia: /Crying/.. Malaya ka na, Rommel... puwede mo na akong iwan... /Sniffs/...
Rommel: Pero bakit, Amelia?... Hindi mo na ba ako mahal?... Bakit ganyan na lamang ang pagtaboy mo sa akin?... Ha?...
Amelia: Alam kong hindi mo ako mahal, Rommel... Si Jenny talaga ang mahal mo at ayaw kong ako pa ang hahadlang sa kaligayahan mo...
Rommel: Pero, ikaw talaga ang mahal ko...
Amelia: /Galit/... Sinungaling!.... Paano mo mamahalin ang isang lumpong katulad ko... walang silbi... walang pakinabang...
Rommel: Amelia... hindi... may pakinabang ka... sa iyong kapwa... sa ibang nangangailangan saiyo... hindi mo ba alam yun?... Please... makinig ka sa akin
Amelia: /Sobbing/... Rommel... makakaalis ka na... iwanan mo na ako...
Rommel: Amelia...
Amelia: /Tearfully/.. Umalis ka na!...

Music Bridge

Rommel: Jenny... kailangan kong tulong mo... sumama ka sa akin... gusto kong ikaw mismo ang magpaliwanag kay Amelia...
Jenny: O, sige... puntahan natin siya...
Rommel: /Sadly/...Seguro bukas na lang tayo aalis... kailangan kong mamahinga...
Jenny: Ikaw ang bahala... sige... aalis na muna ako... may pupuntahan lang ako... dadaanan na lang kita dito...
Rommel: Sige...

Music Bridge

Amelia: Bakit ka naririto?...
Jenny: /Smiles/ Amelia... hindi ako pumunta rito bilang karibal ng pag-ibig mo kay Rommel... narito ako para ipaliliwanag ko saiyo ang tungkol sa aming dalawa...
Amelia: Hindi ko na kailangan pa ang paliwanag mo... nasaan si Rommel?...
Jenny: Hindi ko na siya sinama pa dito... pero, bago pa man siya umalis... ang sabi niya sa akin... mahal na mahal ka raw niya... at hinding-hindi niya makakalimutan ang mga tulong na ibinigay mo sa kaniya...
Amelia: Bakit?... Saan ba kayo pupunta?...
Jenny: Hindi kayo... Amelia... siya lang... hindi ako kasama...
Amelia: A-ha?... Bakit?... Di ba may relasyon kayong dalawa?... Bakit?... iniwan ka rin ba?...
Jenny: Amelia... totoong lahat na sinasabi ni Rommel saiyo... hindi kami magkasintahan... at wala kaming relasyon maliban sa....
Amelia: Maliban sa ano?...
Jenny: Pagiging magkapatid namin sa ina...
Amelia: A-ano?... Magkapatid kayong dalawa ni Rommel?...
Jenny: Oo... matagal ding inililihim naming dalawa ito... dahil ang gusto ni Rommel... magsikap kang makalakad... nais niyang paselosin ka... para magbago ang paningin mo sa buhay...
Amelia: Jenny?... Nasaan si Rommel?... Gusto ko siyang makausap... nasaan siya?...

Music Bridge

Amelia: /Shouting/... Rommel!... Rommellll...
Rommel: A-ha?... Si Amelia?... /Trans?... Amelia....
Amelia: /In tears, Fading in/... Rommel... nalaman kong magkapatid pala kayo ni Jenny...
Rommel: A-Amelia?... nakakalakad ka na?...
Amelia: /Happily in tears/... Oo, Rommel... Oo... d-dahil saiyo... matagal na akong nakakalakad at nagpapasalamat ako sa kaibigan mong doktor na siyang tumulong sa akin...
Rommel: Pero... hindi niya sinabi sa akin...
Amelia: Ako ang nagsabi sa kaniya na pansamantala muna niyang ilihim ito...
Rommel: /Happily/... Amelia... maligayang-maligaya ako para saiyo... p-pero...
Amelia: Sinabi na sa akin ni Jenny ang lahat...
Rommel: Amelia...
Amelia: /Tearfully/... I’m sorry... nagdudat ao saiyo... h-hindi ko alam eh... ang pinapa-iral ko sa aking sarili ay ang matinding pagdududa at pagseselos... nakalimutan ko na... mahal na mahal pala kita eh...
Rommel: /Smiles/ Naintindihan naman kita eh... kaya lang... hindi mo lang ako binigyan ng pagkakataong magpaliwanag...
Amelia: Rommel... please... huwag ka nang umalis... please...
Rommel: Okey... babalik ako sa bahay mo... pero... gusto kong sagutin mo ang isang pinakamahalagang katanungan ko...
Amelia: Sige... sasagutin ko... ano yun?...
Rommel: Will you marry me?...
Amelia: R-Rommel.... t-totoo ba ito?...
Rommel: Oo.... engineer na ako... puwede na kitang buhayin na hindi nakasalalay sa kayamanang iniwan saiyo ng mga magulang mo...
Amelia: Oo.. Rommel... Oo... pakakasal ako saiyo...
Everybody: /Shouting/.... YEHEEEEEYYYYYYY..... tuloy na ang kasalan...
Amelia: Rommel....
Rommel: Amelia... Oh Amelia... /Kissing/....

Music Finale

THE END