Mga Kuwento ng Pag-ibig

Ito ay mga radio scripts ng mga kuwento sa pag-ibig na isinulat ni Gil Lopez Gregorio Sr na kilala bilang Geopoet sa Cyberspace at Gregorio Lopez Moreno sa panulat niya sa radyo brodkast. Ang mga kuwentong ito ay isinahimpapawid sa mga Drama Programs ng Bombo Radyo Philippines. Nais pong ibahagi niya ang mga ito sa lahat ng mga mambabasa sa buong mundo.

Wednesday, October 20, 2004

Minsan Pa Sa Isang Pangarap

Sinulat ni: Gil Lopez Gregorio Sr (Radio Penname: Gregorio Lopez Moreno)
Musika’t Tunog: Ato Reynancia
Direksiyon: Melody Recto
Teknikal Superbisyon: Gener Gensis
Drama Superbisyon: Josie Bergantin

Music Teaser

Isabel: Ano ka ba naman, Emil... kabutihan ang patutunguhan ko doon sa Japan at hindi kapahamakan...
Emil: /worriedly/... Isabel, mahirap na sa ibang bansa sa ngayon... maraming mga babae na ang napahamak dahil sa kasamaan ng ibang hapon... baka...
Isabel: /taray/ hay naku...kapag ganyan na marami kang kinakatakutan... hindi talaga malayo na kapag mag-asawa na tayo... mamatay tayong nakadilat ang mga mata....hmp! ... dyan ka na nga...
Emil: /calling/ Isabel!... sandali lang...gusto pa kitang makausap... Isabel!...
Isabel: /atsom/ kausapin mo ang lelang mong panot!...

Music/Standard Intro
Commercial Break

Music Bridge

Lyla: O, Isabel... ano na?... Nilakad mo na ba ang mga papeles mo?... Naku... baka mahuli ka na nyan... sige ka... hindi ka na mabibigyan pa ng isang pagkakataon...
Isabel: /sighs deeply/...ewan ko ba, Lyla... nahihirapan akong magdesisyon eh...
Lyla: Bakit naman?...
Isabel: Ayaw ni Emil e...
Lyla: Emil?!... naku... ano ba ang magagawa ni Emil?... eh hindi pa naman kayo kasal, di ba?... eh isa rin yung isang kahit, isang tuka.../sighs/... Isabel... maniwala ka sa akin... maganda na itong offer sa atin... wala nang mas hihigit pa sa kikitain natin dito...
Isabel: /sighs/... Ewan ko ba... titingnan ko... kaya lang, hindi ako makakapangako saiyo...
Lyla: /sighs/... well, ikaw ang bahala... pero, ang masasabi ko lang... hindi makakain ang pag-ibig lamang habang kumakalam naman ang tiyan mo...
Isabel: Lyla...
Lyla: O, sige... aalis na ako... pero, pag-isipan mong mabuti...

Music Bridge

Emil: Sino?... si Lyla?!... ang alembong na yun?...naku, huwag kang maniwala sa kaniya, Isabel... ipapahamak ka lang...
Isabel: Ang sakit mo namang magsalita... kaibigan ko siya... at hindi niya ako pababayaan... at saka..., maganda naman yung offer sa amin eh... para tagapitas ng mansanas... at saka, naroroon ang auntie niya... walang mangyayari sa amin...
Emil: /firmly/ Alam mo... mula lang ng maging kaibigan mo ang alembong na Lyla na yan, binago na niya ang takbo ng mga plano natin...sinisira niya ang magaganda nating mga pangarap...
Isabel: /sighs/ Hindi naman... talagang mabait lang siya sa akin...
Emil: Oo... mabait nga siya saiyo... pero, hindi mo naisip na puwedeng ipapahamak ka niya?... ha?...
Isabel: /firmly/ Nais lang ni Lyla na tulungan akong makapunta sa Japan para magtrabaho... at saka, magkasama kaming dalawa sa pagtatrabahuan namin...
Emil: At paano mo maseseguro na ligtas ka nga sa kapahamakan?... aber?!
Isabel: Hay naku, Emil... hahaba lang ang pag-uusap nating ito na walang kabuluhan ang kahihinatnan... ang mabuti pa... umuwi na lang tayo... ihatid mo na lang ako sa amin... pagod ako sa kapapasyal natin eh...
Emil: /suya/ Ihahatid lang kita sa paradahan ng jeep... hindi na ako sasama sainyo...
Isabel: Emil... g-galit ka ba?...
Emil: Hindi... o, sige tayo na... baka abutin pa tayo ng dilim... pagagalitan ka na naman ng inay mo...

Music Bridge

Lyla: Hoy, Emil... kahit kailan... galit ka sa akin... bakit?... inaano ba kita at ganyan na lamang ang galit mo sa akin?... ha?...
Emil: /galit/ Ikaw kasi... bakit mo isasama pa si Isabel sa pagpunta mo sa Japan gayong alam mo naman na magsyota kami... ha?!...
Lyla: Aba, ewan ko saiyo... tanungin mo ang sarili mo...
Emil: /grabbing/... halika nga rito...
Lyla: /reacting/Emil... ano ka ba?!... nasasaktan ako... b-bitiwan mo ang kamay ko... ano ba?!...
Emil: /galit/ Hindi kita bibitiwan hangga’t hindi mo tatantanan si Isabel sa kakayakag mo sa kaniya... at ito ang tandaan mo... kapag may nangyaring masama sa kaniya... ikaw ang mananagot sa akin... naintindihan mo?!...
Lyla: Bitiwan mo ako... um!...
Emil: /reacts/... a-ha?...
Lyla: /nagtaray/...at ito rin ang tatandaan mo...kapag napangasawa mo na ang kaibigan ko... at naghirap siya sa piling mo... yayakagin ko pa rin siyang pumunta sa Japan... at isasama ko talaga siya... dyan ka na nga!.../fades out/...
Emil: /calling/... Lyla!... bumalik ka rito... Lyla!...

Music Bridge

Estela: /fading in/ O, Isabel... bakit ka ba nagmumukmok dyan?...
Isabel: Inay... ikaw pala... /sighs/... wala ho, inay... medyo nalulungkot lang ho ako eh...
Estela: Bakit naman?... anong dahilan ng kalungkutan mo?...
Isabel: K-kasi ho... si Emil...
Estela: O eh ano naman si Emil?...
Isabel: Ayaw niya hong pumunta ako sa Japan at sasama kay Lyla...
Estela: Ano?!... aba... bakit mo siya susundin?...mapapakain niya ba tayo ng kanyang pag-ibig?!... hah!... yung ngang sarili niya, hindi nya kayang pakainin eh...
Isabel: Inay naman... mahal ko naman ang tao eh...
Estela: Hay naku, Isabel... maging praktikal ka nga... nakikita mo naman yung iba mong kaibigan dyan... nag-asawa dahil umibig... hayan... naghihirap...
Isabel: Inay... masipag naman ho si Emil eh...
Estela: Hay naku, Isabel... kapag sinunod mo ang tibog ng puso mo... hindi lang yan ang mararanasan mo... mas hihigit pa seguro... makaalis na nga...
Isabel: Inay... saan ho ba ang punta nyo?...
Estela: Dun kina Mareng Iska... may konsiyerto kami... bahala ka na dyan...
Isabel: Opo..../sighs/... ang inay talaga.. kahit kailan hindi na mahinto-hinto sa kasusugal.../sighs/... ano ba ito?... nalilito na ako... nalilito na ako...

Music Bridge

Emil: /galit/ Ano?... tutuloy ka pa ring sasama kay Lyla?!... Isabel... h-hindi kita maintindihan eh... bakit?...
Isabel: /firmly/ buo na ang pasiya ko, Emil...
Emil: Isabel...
Isabel: /cuts in/ Tama na, Emil... hindi kaya ng pag-ibig ang mga pangangailangan ng sikmura...
Emil: Isabel... bigyan mo ako ng isang pagkakataon na patunayan ko saiyo na kaya kong buhayin ang pamilya natin... please... huwag ka nang umalis... dito ka lang sa atin...
Isabel: /sighs/ I’m sorry, Emil... inayos ko na ang lahat ng kinakailangan kong mga papeles...
Emil: /worriedly/ Isabel... naniniwala ka ba sa mga sinasabi saiyo ni Lyla?
Isabel: Oo... at kahit kailan hindi na mapagbago pa ang aking pasiya...
Emil: Isabel?...

Music Bridge

Emil: /galit/ Walanghiya ka!...
Lyla: /palaban/...Hoy!... Hoy!... wag na wag mo akong sasaktan... akala mo ba hindi kita papatulan?!... hindi ko kasalanan kung bakit nagpasiya si Isabel na sasama sa akin... eh ano naman ba talaga ang magagawa mo?!... at saka, hindi pa kayo kasal...
Emil: /firmly/ kahit na... mahal ko si Isabel... mahal ko siya!...
Lyla: Eh anong magagawako... inayos ko na ang kaniyang mga papeles...
Emil: Eto ang tandaan mo, Lyla... kapag may nangyaring masama sa kaniya...
Lyla: /cuts in/ Oo... alam ko na yan... ang kulit mo naman... umalis ka na nga... baka ipabugbog pa kita dito sa aking mga kaibigang siga...
Emil: /galit/ Subukan mo!... sige, subukan mo... kung hindi maghahalo ang balat sa tinalupan!...

Music Bridge

Isabel: /taka/ Ano?!... pinuntahan ka dito ni emil at sinabi yan saiyo?!...
Lyla: Oo nga eh... pero, hindi niya ako kaya... alam mo naman... baka balian ko pa yun, eh...
Isabel: /apologetically/... pagpasensiyahan mo na siya, Lyla...
Lyla: Eh ano pa ba ang magagawa ko..o, heto... mga visa t passport mo yan... aalis na tayo sa makalawa... kaya, ihanda mo na yang sarili mo...
Isabel: /happily/... Salamat, Lyla... maraming salamat...

Music Bridge
Sfx: Airport Effects

Estela: /crying/... Anak... hiwag mong pababayaan yang sarili mo, ha?...
Lyla: O, sige... aalis na kami Aling Estela...
Isabel: /crying/ Inay... isang taon lang naman ang kontrata namin ni Lyla eh... kaya wag ho kayong mag-aalala... hindi ho ako pababayaan ni Lyla..
Lyla: Siyanga po, Aling Estela...
Isabel: /worriedly/ Inay... pakisabi na lang kay Emil na...
Estela: /sniffs/cuts in/... huwag mo na ngang intindihin yun...walang kuwenta ang lalaking yun...
Isabel: Inay....
Lyla: O, tayo na, Isabel... hayun o, nagsisimula nang magsipag-akyatan ang mga pasahero sa eroplano...
Isabel: Sige ho, inay...
Lyla: /smiles/ byeee.... Aling Estela... see youuu..../giggles while fading out/...

Music Bridge

Emil: Talagang tinutoo niya ang kanyang pag-alis... /sighs deeply/... Isabel.... sana magtagumpay ka sa iyong mga minimithi... sana...
Estela: /fading in/... O, naririto ka pala...
Emil: Aling Estela... magandang hapon po...
Estela: Hay naku... may pinapasabi saiyo ang anak ko...
Emil: Ho?!... ano ho yun?...
Estela: Huwag mo na raw siyang hintayin pa... dahil balak niyang mag-asawa na lang ng isang hapon sa Japan...
Emil: Ho?!... sinabi niya yun?...
Estela: Oo... bakit?... Duda ka ba sa mga sinasabi ko?...
Emil: Aling Estela?..../sighs/... h-hindi... hindi ho....
Estela: O, sige... dyan ka na.. /fades out/...
Emil: /self/ Hindi... hindi totoong sinabi yun ni Isabel... /sobbing/... hindi totoo ito... hindi.../crying/...

Music Bridge

Susan: /fading in/... Emil... bakit naririto ka pa sa labas ng bahay?... may problema ka ba?...
Emil: Susan... halika... umupo ka dito... may pag-uusapan tayo...
Susan: /smiles/... ikaw talaga... ano na naman ba yang pag-uusapan natin?...si Isabel na naman ba?...
Emil: Hindi... ang tungkol sa atin at sa ating mga anak...
Susan: Asus, eto naman... nakikita mo naman na masisigla sila... at saka... naintindihan ko naman ang tungkol sa kaniya eh...
Emil: Ssssshhhhh.... please.... iwasan na nating pag-uusapan pa si Isabel... ikaw na ang mahal ko... nakalimutan ko na siya... alam mo yan, di ba?..
Susan: Hmmm.... ewan ko... hindi ko naseseguro... basta ako... maligaya ako sa piling mo...O, tayo na... papasok na tayo... umaambon na eh...
Emil: /smiles/ mabuti pa nga seguro... tayo na...

Music Bridge

Emil: /may nakabangga/... Hups!... I’m sorry, miss... hindi ko sinasadya...
Isabel: /reacts/.... Ah!... n-naku.... s-sorry, hindi ko rin sinasadya eh.../mangha/... E-emil?... ikaw nga ba?!...
Emil: A-anong..?!...I-isabel?... ikaw ba?...
Isabel: /smiles/... Oo, ako nga... kumusta ka na, ha?...anong ginagawa mo dito?...
Emil: W-wala... namamasyal lang ako at ang aking pamilya... hayun sila o...
Isabel: /nabigla/.... A-ha?... S-sila ba?...
Emil: Oo... siya si Susan... at ang dalawa naming anak... Ikaw?... kumusta na ang pamilya mo?...
Isabel: Naroroon sila sa Japan... ako lang ang naririto... dinalaw ko ang inay at siyempre yung iba pa nating mga kaibigan...
Emil: /smiles/ Well... tinatawag na ako ng aking pamilya... sige... aalis na muna ako...
Isabel: S-sige... bye... ingat ka...
Emil: /fading out/ Salamat... ikaw rin...
Isabel: /smiles/ Thanks...

Music Bridge

Lyla: Nagkita kayong dalawa ni Emil?... Kumusta na siya?...
Isabel: /crying/,,, m-may pamilya na pala siya, Lyla... at masaya ang kaniyang pamilya...
Lyla: /sighs/... hindi siya naghintay saiyo...marupok ang pag-ibig niya saiyo...
Isabel: /sniffs/... bukas, makikipagkita ako sa kanya... gusto ko siyang sumbatan at kausapin...
Lyla: Naku, Isabel... eh di sana... sinumbatan mo na siya kanina nang magkita kayo...
Isabel: /sniffs/... hindi ko nagawa eh... naroroon ang kanyang asawa at mga anak...
Lyla: So... hindi mo na siya dapat pang sumbatan... pabayaan mo na lamang siya sa kaniyang pamilya... para ano pa ang sumbatan mo siya?...
Isabel: /sniffs/...Lyla, kung alam ko lang... na ganito ang mangyayari sa akin.... hindi na sana ako lumayo pa...
Lyla: Isabel... huwag mo nang sisisihin pa ang pangyayari saiyo... kasi... nakalipas na yun eh... ang mabuti pa nyan, asikasuhin mo na ulit ang papeles mo at nang makabalik na tayo sa Japan... naghihintay na roon ang pamilya mo... mahal ka naman ni yubosiko di ba?... ikaw lang naman itong nagpipilit na umuwi para makita lang si Emil...
Isabel: /sniffs/ Lyla, gusto ko pa siyang makausap kahit sa huling pagkakataon eh... nais kong malaman kung maligaya isya sa asawa niya...
Lyla: Para ano pa?... para magbakasakali?... naku, Isabel... huwag na...
Isabel: Pleasee.../sniffs/...
Lyla: /sighs/....O, siya sige... pero, ipangako mong ito na ang huli... pagagalitan ako ng asawa mo... ako pa naman ang nangako sa kaniya na dalhin kita ulit pabalik...
Isabel: /smiles/sniffs/...Oo, Lyla... oo...

Music Bridge

Lyla: O paano yan... iiwan ko na muna kayo dito...
Isabel: No... dito ka lang, Lyla... gusto kong ikaw mismo ang makarinig sa pag-uusap namaing dalawa...
Lyla: /smiles/ No... hindi na kailangan, Isabel... labas na ako dyan... sige....Emil... ikaw na ang bahala sa kaibigan ko... eheste... amo pala... okey?
Emil: /smiles/ O sige, Lyla... puwede mo na siyang iwanan...
Lyla: Sige.../fades out/...

Music Bridge

Isabel: Gusto kong magkaliwanagan tayo... bago pa man ako babalik sa Japan... nasa akin ang pamimili... kung babalik pa ako doon o hindi na...
Emil: /smiles/ Isabel... nakita mo naman di ba?... maligaya na ako sa aking asawa... siya ang nagpuno ng lahat ng pagkukulang mo sa akin noong iwan mo ako at sinunod mo ang iyong pangarap... alam ko, mayaman ang asawa mo dahiul sinabi sa akin ito ni Lyla...
Isabel Emil... alam mong ikaw ang minahal ko ng lubos...
Emil: No... minahal mo ang iyong pangarap... masyado kang nagpadala sa kataasan nito... pero, sa bandang huli... tama ka rin... tama ang sundin mo ang nais ng iyong puso... at alam kong pinatawag mo ako dito dahil gusto mong humingi ng patawad sa akin.../smiles/ Isabel... nakalipas na yun...
Isabel: /sniffs/... Emil...
Emil: No... huwag mong hawakan ang kamay ko... ayaw ko nang bumalik sa kahapon... at kung ang nais mo’y kalayaan.../smiles/... matagal na kitang pinalaya sa tanikalang sumpaan natin noon... kaya, malaya ka na...
Isabel: /sniffs/smiles/ T-talaga?... s-salamat naman kung ganun, Emil... maraming salamat... /sniffs/.... sa pagkakataong ito, lubusan ko nang naramdaman na sadyang hindi tayo para sa isa’t-isa...
Emil: Isabel... alam kong liligaya ka sa asawa mong milyonaryo... sinabi sa akin ni Lyla na mahal na mahal ka raw ng asawa mo...
Isabel: Oo... mahal na mahal ako ng asawa ko... at nais kong suklian ng pagmamahal ang pag-ibig niya sa akin... subalit... p-parang may hinahanap akong isang pangako na hindi ko natupad dito sa Pilipinas...
Emil: /smiles/ Heto... eto ang hinahanap mo... ang bigkis ng ating sumpaan...
Isabel: A-ha?... ang singsing?...
Emil: Oo... ito yung binigay mo sa akin bago ka umalis... isang pangako na hinding-hindi mo makakalimutan...heto, tanggapin mo... matagal ko nang hindi nasusuot yan... mula lang ng mag-asawa ako... inalis ko na yan sa aking daliri at pinagka-ingatan para ibigay saiyo muli... sige, kunin mo na...
Isabel: /sniffs/happily?... Emil... napakabuti mo.../smiles/ Salamat... maraming salamat at pinakawalan mo ako sa tanikalang pangako ko saiyo.... maraming salamat..../smiles/....
Emil: /smiles/... walang anuman, Isabel... walang anuman....

Music Extro

END

4 Comments:

  • At 1:26 AM, Blogger Mike Angelo Obina said…

    Isa sa mga pangangailangan ng aming kurso ay ang dulang panradyo kung kayat naghanap ako sa internet ng magandang piyesa at ito nga ang napili ko,maari po bang gamitin ang iyong akda bilang aming iskript,labis po ang aming kasiyahan kung kami ay iyong papayagan bilang isa ring tagahanga ng Bomboradyo.

     
  • At 1:27 AM, Blogger Mike Angelo Obina said…

    This comment has been removed by the author.

     
  • At 12:59 AM, Anonymous Anonymous said…

    The formatting to this script is atrocious and cluttered. Excessive use of '...' where other marks would do. While the script is decidedly average (and a bit underwhelming that I had to add scenes to make up for extra time), the flow of the piece is jarring. Lots of errors in the dialogue as well, even with the slang.

    It's hell to work with formatting it correctly to radio script form. The piece is sloppy.

     
  • At 2:57 AM, Blogger Unknown said…

    good day mam/sir pwede po aqu mag pagawa ng storya tungkol po sa ECQ mga 20 mins lang po tattlo pong boses mam/sir..

     

Post a Comment

<< Home