Mga Kuwento ng Pag-ibig

Ito ay mga radio scripts ng mga kuwento sa pag-ibig na isinulat ni Gil Lopez Gregorio Sr na kilala bilang Geopoet sa Cyberspace at Gregorio Lopez Moreno sa panulat niya sa radyo brodkast. Ang mga kuwentong ito ay isinahimpapawid sa mga Drama Programs ng Bombo Radyo Philippines. Nais pong ibahagi niya ang mga ito sa lahat ng mga mambabasa sa buong mundo.

Wednesday, December 15, 2004

Itakwil Man Ako Ng Langit

Panulat ni: Gil Lopez Gregorio Sr
Direksiyon: Melody Recto
Musika’t Tunog: Ato Reynancia
Teknikal Superbisyon: Gener Gensis
Drama Superbisyon: Josie Bergantin

Music Teaser

Jimmy: Ano ka ba Rosela?!... sinabi ko na saiyong hindi kita mahal…. at kung anuman ang nangyari sa atin nung isang araw… walang halaga yun sa akin…
Rosela: /mangha/ Jimmy?!... ang ibig mong sabihin… walang pag-ibig ang namagitan sa atin?!...
Jimmy: /shouts/ Oo.. dahil hindi kita mahal… at kami ni Imelda ang tunay na nagmamahalan…
Rosela: /firmly/… Jimmy… wala nang ibang taong nagmamahal saiyo na katulad ng pag-ibg na iniuukol ko saiyo… wala na….
Jimmy: /galit na galit/… pasensiya ka… wala akong nararamdamang pag-big para saiyo dito sa loob ng aking puso….wala, Rosela… wala….

Music Theme
Standard Intro
Music Bridge

Cherry: Ano?!... ang hilig mong makarelasyon ay yung may mga kasintahan na?... /smiles/… Naku naman Rosela… gulo ang aabutin mo nyan… gulo…
Rosela: /taray/ eh ano ngayon?... eh yun ang gusto ko eh… sino ang makakapigil sa akin na gawin yun?... aberrrr?
Cherry: /insisting/.. Rosela… bakit hindi mo na lang ituon ang pansin mo sa mga lalakeng nagkakandarapa saiyo… nariyan naman si Albert… si John… at…
Rosela: /cuts in?... Hay naku…wag mo ngang pakikialaman ang gusto ko… kung gusto mo… ikaw na lang ang magpaligaw sa kanila… at kung sila din lang… huwag na oy!... mangangati ang buong katawan ko sa porma ng pagmumukha nila…
Cherry: /mangha/… Cherry?!...

Music Bridge

Rosela: /happily/… hay Jimmy…. Kanina ka pa ba dito sa loob ng library?
Jimmy: O… hi! Rosela… kumusta?.. Oo, kanina pa ako dito eh… maramiang assignment sa polsci subject ko eh… alam mo…
Rosela: Well… ano kaya ang puwede kong maitulong saiyo?...
Jimmy: /taka/… A-ha?... w-wala… wala… hayaan mo na lang ako na ang mag-solve sa problema ko sa subject na ito…
Rosela: Ikaw naman… kila mo ako di ba?... ako ang topnotcher sa klase natin… so, you can consult me with anything that you would want to know… and I mean… anything… anything at all…
Jimmy: /sighs/ O-okey… puwede mo ba akong matulungan mag-research tungkol sa political history ng Egypt?.... p-parang nakakalito kasi ang political structure nila eh… hindi naman monarchial at hindi naman parliamentary… I really don’t know about this…. Do you have some ideas?..
Rosela: Well… I can give you such information for a return…
Jimmy: What do you mean?...
Rosela: /palambing/… I mean…. A kiss or a hug… that’s all… can you?...
Jimmy: /taka/…What?... you mean…
Rosela: Yes… /palambing/… Yes, Jimmy boy… come…
Jimmy: Hoy, nasa loob tayo ng library… I can’t…
Rosela: /cuts in/… wala… walang tao dito sa itaas ng library… tayo lang…
Jimmy: /seduced?... O-okay… ookey…
Rosela: /kissing/… hmmm…. /kissing/….hmmmm
Jimmy: /kissing/… Rosela….

Music Bridge

Cherry: Heyyy!... What do you mean?...
Rosela: /smiling/… Well… alam mo na… natukso ko siya… at hayun… nadala naman ang loko… at ngayon…
Cherry: /cuts in/ On na kayo?... Ganun ba yun?...
Rosela: Siyempre… ibignigay ko na eh…
Cherry: Rosela… may kasintahan yun… si Imelda… di mo ba alam?...
Rosela: So what???... Hindi pa naman sila kasal di ba?... at magkasintahan lang naman eh… hindi pa mag-asawa…
Cherry: Kahit na… Diyosko naman, Rosela… you are crazy!...
Rosela: /laughs/… That’s about love… di ba?...Gusto ko siya… so that’s it… at hindi ako mangingiming ibigay ulit ang pagkababae ko sa kaniya… dahil gusto ko siya… and I love him more than ever… di ba matagal mo nang alam yun?...
Cherry: /sadly/… Rosela, I’m your friend… pero, eto lang ang masasabi ko saiyo… kung hindi mo gagawin na magbago ka saiyong sarili at sa mga pananaw mo… ikaw na rin ang magsisisi…
Rosela: /laughs/… Cherry…. Hindi yan mangyayari sa akin… hindi, Cherry…

Music Bridge

Imelda: /crying heavily/… bakit mo nagawa ito sa akin, Jimmy…. Saan ba ako nagkukulang saiyo?... bakit si Rosela pa ang pinatulan mo?... May marami namang iba dyan…
Jimmy: /sighs deeply?... I’m really sorry, Imelda… natukso lang ako sa kanya… tinukso niya ako… please… try to understand me, okey?...
Imelda: No!... Hindi ko kaya ang ginawa mong yun… ang ibig lang sabihin nyan ay mahina ang pundasyon ng pagmamahal mo sa akin… dahil kung malakas… hindi mo sana pinahintulutang mangyari ang bagay na yun… /sobbing/…
Jimmy: I’m sorry… minsan lang nangyari yun… at hindi naulit pa… k-kasi… kailangan ko lang kasi ang tulong niya eh… k-kaya, napilitan lang akong kagatin ang …
Imelda: /crying/… Tama na, Jimmy… tama na!... /sniffs/… puwede ka nang umalis… iwanan mo na akong mapag-isa dito… sige na… umalis ka na…
Jimmy: Imelda… please
Imelda: /shouts/ Umalis ka na!... /sobbing/…
Jimmy: Imelda?!...

Music Bridge

Jimmy: Cherry… tulungan mo ako… problema ko si Rosela…
Cherry: Jimmy… sinabihan ko na siya na lubayan ka na niya… pero, sadyang ayaw niyang lubayan ka niya… alam mo naman ang kaibigan kong yan… masyadong spoiled sa kanila… hindi ko kaya ang…
Jimmy: /cuts in worriedly/.. Cherry… kapag hindi pa ako niya lulubayan ang kasusunod sa akin… mapipilitan akong isumbong siya sa mga magulang niya…
Cherry: /mangha/… A-ha?... Jimmy… magagawa mo yun?... Eh gayong isa ka sa mga natukso niya?...
Jimmy: Oo… magagawa ko yun, Cherry… dahil ang nararamdaman ko ngayon ay pagkamuhi sa kaniya… at pagkamuhi sa aking sarili… naging isa ako sa mga nabiktima niya… gayong alam ko ang mga pinaggagagawa niya…
Cherry: /sighs deeply?... I’m sorry, Jimmy… pero, talagang wala akong maitutulong saiyo… bestfriend ko nga siya… pero, hindi naman niya pinakikinggan ang mga payo ko sa kaniya…
Jimmy: /sighs deeply/… Di bale na, Cherry… pero nais kong ipagbigay alam ko sa kaniya ang mga sinabi ko… okey?...
Cherry: /sighs/.. Okey, Jimmy…

Music Bridge

Pining: O, Imelda… bakit ka nagmumukmok dito sa loob ng bahay?... hindi ka ba papasok ngayon?...
Imelda: /sadly/… Masama ho ang pakiramdam ko ngayon, inay… wala ako sa mood na pumasok eh…
Pining: /smiles/..O, sige anak… magpahinga ka na lang muna… tutal… masama ang pakiramdam mo…
Imelda: Opo, inay…
Pining: Ay siya nga pala… pumunta rito si Jimmy kagabi… kaya lang hindi ka na pinagising sa akin dahil tulog na tulog ka eh…
Imelda: Ano pong ginawa niya, inay?....
Pining: /smiles/… Sinabi lang niya ang tungkol sa nangyari sa kanila ni Rosela… /sighs/… alam mo, anak… kailangang patawarin mo na siya… nakikita kong mahal na mahal ka niya…
Imelda: Inay… /sobs/… mahal na mahal ko rin po siya, inay… kaya lang hindi kaya ng puso ko ang ginawa nyang pagtataksil sa akin… /sniffs/…
Pining: /lovingly/… Anak… ganyan ang mga lalake… kailangan lang nilang maintindihan mo ang kanilang kalagayan…
Imelda: /sobs/.. Ewan ko, inay… ewan ko… /sobs/…

Music Finale
Commercial Gap
Music Bridge

Alfonso: /smiles/… Alam ko na yan, Jimmy… matagal ko nang pinasusubaybayan ang mga nangyayari sa anak ko habang nasa loob siya ng paaralan..
Jimmy: /mangha/… Ho?... Eh bakit hindi nyo siya pinagsasabihan?... bakit hinahayaan nyo siyang maging ganyan?... Ano bang dahilan, sir?...
Alfonso: /sighs deeply/… Mahabang salaysayin, Jimmy… pero, wala na akong magagawa pa…
Jimmy: /insistingly/.. Pero, sir… nakakasira siya ng isang relasyon… ang relasyon naming magkasintahan… palagi siyang nasa gitna ng aming pagkakagalit…
Alfonso: /sighs deeply/… Hayaan mo, Jimmy… just stay on with your relationship with your girlfriend… gagawin ko ang nararapat para sa aking anak…
Jimmy: Sir…
Alfonso: /smiles/… Alam mo…. Sa lahat ng lalakeng nakarelasyon niya… ikaw lang ang malakas ang loob na pumarito sa akin at isumbong ang kanyang pinaggagawa… at dyan kita hinahangaan, hijo…
Jimmy: /smiles/… Salamat ho, sir…
Alfonso: /sighs/… Okey.. ikaw na lang ang bahala sa kanya… at alam ko namang hindi mo siya sasaktan… di ba?...
Jimmy: Y-yes sir…

Music Bridge

Pining: Ano?... basta ganun lang ang sinabi saiyo?... Pambihira namang ama yan… ni hindi nagalit saiyo?!...
Jimmy: /smiles/… Ganun nga ho, Aling Pining… ako nga rin ho ay nagtaka ng husto… parang wala lang sa kaniya ang mga ginagawa ng kaniyang anak…
Pining: M-meron bang ganyang magulang?... Wala nang pakialam sa anak nila?...
Jimmy: Ewan ko, Aling Pining… ewan ko… /smiles/ siyanga pala… kumusta na ho si Imelda?...
Pining: Hayun… palaging walang ganang pumasok sa eskwela… tinatamad daw…
Jimmy: Puwede ho bang matulugan nyo akong makausap ko siya?...
Pining: Sus, eto naman… /smiles?... oo naman… pumunta ka na lang sa bahay… at ako nang bahala…
Jimmy: Salamat ho, Aling Pining…
Pining: /smiles/… Walang anuman… o, sige… aalis na muna ako… thank you na lang sa snacks ha?...
Jimmy: /smiles/…okey lang ho…

Music Bridge

Rosela: Jimmy… pumunta ka raw sa amin… bakit?... bakit ka nagsumbong sa daddy ko?... may nagawa ba akong pagkakamali saiyo?...
Jimmy: /nagtitimpi/… Meron, Rosela… at nais kong malaman ng magulang mo ang mga masasamang bagay na pinaggagawa mo dito sa loob ng campus…
Rosela: So?... What happened?... nagalit ba ang daddy?>..
Jimmy: /sighs deeply/… Ewan ko, Rosela… basta ang pagkaalam ko… he is a loving father… and a very great one… sayang nga lang… inabuso mo…
Rosela: /crying/… Jimmy… hindi mo lang alam… kung bakit ako nagkakaganito…
Jimmy: /taka/ Rosela… bakit?... hindi kita maintindihan… anong ibig mong sabihin sa mga tinuran mong yan sa akin?...
Rosela: /sniffs/… Hinidi ko siya tunay na daddy… ampon lamang nila ako… kaya nagawa niyang gahasain ako… hindi ko sukat akalain na magagawa niya sa akin eh… ang akala ko tunay ko siyang ama…
Jimmy: /mangha/….What?!... Rosela, b-bakit hindi mo siya isinuplong sa mga alagad ng batas?...
Rosela: /sniffs/… K-kase… kung makukulong siya… sino naman ang magbibigay sa akin ng suporta para makapag-aral?... Wala, Jimmy… /sniffs/…
Jimmy: Oh come on, Rosela… matutulungan kita tungkol sa pangyayari saiyo… basta ba lakasan mo ang loob mo… kailangang mabigyan ka ng katarungan…
Rosela: /self/…Kumagat din ang loko… /giggles/… kailangan kong umarte para maawa siya sa akin… /giggles/… segurado akong hindi na siya bibitiw sa akin sa awa… /giggles/… effective… very effective… /selfly laughs?...

Music Bridge

Alfonso: /taka/ Sinabi niya yan saiyo?... /galit/…. Lintik na… paano niyang masabi na hindi ko siya tunay na anak… anak ko siya… at ang sinabi niya sainyo ay hindi totoo… pawang kasinungalingan… sobra na talaga siya… she is hallucinating….
Jimmy: /nabigla/… A-ang ibig mong sabihin… hindi totoo ang kaniyang mga paratang saiyo?...
Alfonso: /galit/… Of course!... Bakit ko naman gagawin yun sa kanya?... I have the money… kung panandaliang ligaya man lang ang kailangan ko… Hah!... sobra na ito… hindi na ito puwede… segurado akong bumalik na naman ang dati niyang sakit sa ulo…
Jimmy: /taka/ What do you mean sakit sa ulo?... bakit ho?.. anong sakit sa ulo ang ibig mong sabihin?...
Alfonso: /sighs deeply/… Okey.. sasabihin ko na saiyo ang katotohanan… /sighs deeply/.. Si Rosela ay may psychiatric problem resulta ng pagkabigo sa unang pag-ibig niya… simulang iwanan siya ng first love niya… nasira ang ulo at ipinasok ko siya sa mental hospital to undergo psychiatric treatment. Nung isang taon, nakalabas siya… pero ang sabi sa akin ng doktor ay may tendency pa itong bumalik kapag magkaroon ulit siya ng emotional depression… mental depression, I mean… that would cause mental illness… at yan ang matagal ko nang pinangangambahan na mangyari ulit sa kaniya…
Jimmy: /sighs deeply/… Eh sir…bakit hindi natin siya ibalik ulit sa mental hospital?... Bakit hinahayaan mong magkaganito siya?...
Alfonso: Only the doctor can decide… and may be with this recent development… it could be time for her to stay in the hospital… sige, tatawagan ko ang mental hospital…
Jimmy: Sir?...

Music Bridge

Jimmy: Ano ka ba, Rosela… hindi mo ba naiintindihan ang sinasabi ko saiyo?... Hindi kita mahal at kung meron mang nangyari sa atin… walang halaga yun para sa akin…
Rosela: /mangha/… Jimmy?!... Ang ibig mong sabihin… walang pag-ibig ang namagitan sa ating dalawa?...
Jimmy: Oo.. dahil sa tinukso mo lang ako.. dahil sa hindi kita mahal… at si Imelda ang tunay kong mahal…
Rosela: /sobbing/… Jimmy… /firmly/… Jimmy, wala nang ibang taong nagmamahal saiyo na katulad ng pag-ibig na iniuukol ko saiyo… wala na…
Jimmy: /galit na galit/… Pasensiya ka.. wala akong nararamdamang pag-ibig para saiyo dito sa loob ng aking puso… wala, Rosela… wala…
Rosela: /crying/… Hindi!... Hindi!... Hindi totoo yan!... iniibig mo ako, Jimmy… di ba?... /laughing/…Hindi raw ako mahal ni Jimmy?!.... /laughs/… /crying/…

Music Bridge

Rosela: /atsom/… Daddy!!!. Daddy!!!.... ilabas nyo ako dito… kailangan kong humanap ng lalakeng umiibig sa akin… Daddy!!!.... /nagsisisigaw/….
Alfonso: /selfly/sighs deeply/… I’m sorry, anak… hindi kita mapapayagan…
Jimmy: /sighs/ Sir… I’m sorry… h-hindi ko kasi alam eh…
Alfonso: /sighs/ Okey lang, hijo… salamat sa tulong mo… seguro, mas maayos kung naririto siya sa loob ng hospital na ito…
Jimmy: /sighs/ Sige.. aalis na ho muna ako, sir… may pupuntahan pa kasi ako eh...
Alfonso: /sadly smiles/… Salamat, Jimmy…
Jimmy: Walang anuman ho… sige ho…

Music Bridge

Imelda: /sobs/ Jimmy… a-anong ibig mong sabihin?...
Jimmy: /sighs/… Dinala na namin siya sa mental hospital… at pinapagamot na siya ng daddy niya…
Imelda: /taka/… H-hindi ko alam Jim… ang akala ko ay…
Jimmy: /cuts in/ No…. hindi ka dapat humingi ng paumanhin sa akin… naintindihan naman kita eh…
Imelda: P-puwede ba natin siyang dalawin?...
Jimmy: Oo… puwede… /smiles/… teka… okey na ba ako sa puso mo?...
Imelda: /smiles/… Asus… eto naman.. nagtanong pa… bakit?... nagdududa ka pa ba?...heto nga… nakangiti na ako saiyo eh…
Jimmy: /lovingly/…/smiles/… Salamat, Imelda… maraming salamat… hayaan mo… hinding-hindi na mauulit yun… hindi na…
Imelda: /smiles/… Naintindihan naman kita eh…

Music Bridge

Cherry: /naaawa/… Ang kaibigan ko… ang kawawa kong kaibigan…
Rosela: /atsom/.. Jimmy, mahal kita!... /crying/… Bakit ayaw mong maniwala sa akin, ha?.../laughs/… ikaw ang pag-ibig ko… ikaw…/crying/….
Jimmy: /sighs deeply/… Wala akong magagawa, Cherry… ang kailangan niya lang ay panalangin…
Imelda: Jimmy… k-kung ako ang magkaganyan… dadalawin mo rin ba ako?...
Jimmy: Sus… bakit naman ganyan ang tanong mo?... /smiles/ Basta ang isipin mo mahal na mahal kita… at hindi ko hahayaang mangyari saiyo yan…
Imelda: Jimmy… mahal na mahal din kita… mahal na mahal…

Music Finale

END

0 Comments:

Post a Comment

<< Home