Mga Kuwento ng Pag-ibig

Ito ay mga radio scripts ng mga kuwento sa pag-ibig na isinulat ni Gil Lopez Gregorio Sr na kilala bilang Geopoet sa Cyberspace at Gregorio Lopez Moreno sa panulat niya sa radyo brodkast. Ang mga kuwentong ito ay isinahimpapawid sa mga Drama Programs ng Bombo Radyo Philippines. Nais pong ibahagi niya ang mga ito sa lahat ng mga mambabasa sa buong mundo.

Sunday, December 26, 2004

Repeke ng Puso Ko

Sinulat ni: Gil Lopez Gregorio Sr.
Direksiyon: Melody Recto
Musika’t Tunog: Ato Reynancia
Teknikal Superbisyon: Gener Gensis
Drama Superbisyon: Josie Bergantin

Music Teaser

Annie: /masaya/.. Sino?... si Manny?... naku... kung alam nyo lang.... matagal nang nangliligaw sa akin yun... kaya lang, binasted ko dahil masyadong palikero eh... ayaw ko sa lalakeng sobra ang tiwala sa kanyang sarili...
Jane: Susss... nagsalita... eh ikaw nga itong sobra ang pride eh... ayaw mong umamin na may tama ka sa kanya... kaya lang... sobra kasi ang pakipot mo... kaya... hindi na itinuloy ang panliligaw saiyo nung tao...
Shara: Talaga?!... totoo ba yun, Annie?...
Annie: /sighs deeply/... Hay naku... yang si Jane... wala ka man lang maitago dyan... kahit kailan, yan ang pahamak sa ating magkakaibigan...
Jane: /smiles/ O, bakit?... totoo naman yung sinabi ko ah... kaya ka hindi na tinuluyan ni Manny dahil sobra ang pakipot mo.../smiles/...
Shara: /giggles/...O, baka mapikon yan... mawawalan tayo ng kaibigang madaldal...

EVERYBODY LAUGHS

Music Theme
Standard Intro
Music Bridge

Manny: Ano?... sinabi ni Annie yun?...
Bartolome: /smiles/... Alam mo kasi... nung minsan madaanan ko ang pag-uusap nila... narinig ko ang pangalan mo na pinag-uusapan nila... nilapitan ko... at dinig na dinig ko ang sinabi ni Annie...
Manny: /galit/ Hah!..ang akala niya in love talaga ako sa kanya?... /payabang/... Aba!, suwerte pa niya... dahil kung sinagot niya ako noon... para sana siyang kalbong gulong na nilaspag ko!...
Bartolome: Naku naman... ang tindi naman ang mga binitiwan mong salita laban sa kanya...
Manny: Bakit?... kaya ko namang paninindigan ang sinabi ko, di ba?...
Bartolome: /smiles/... Oo na... pero, pare... sa tingin ko talaga... may gusto nga saiyo si Annie... kasi hindi naman siya magsasabi ng ganun na lang kung wala siyang puwedeng pagbasehan eh... Hmmm... baka nga natotorpe ka kapag kaharap mo siya...
Manny: Ano?... aba pare... kilala mo ako... hindi ito basta natotorpe lalo na sa isang chicks..
Bartolome: Aber... tingnan nga natin.. kung talagang hindi ka torpe... ligawan mo siya...
Manny: Ano?.. pambihira ka naman, pare... hindi nga puwede eh... binasted na ako nun...
Bartolome: O di totoo yung sinabi niya... di ba?...
Manny: Naku pare... pinapagalit mo yata ako eh... ang sabi ko saiyo..
Bartolome: /smiles/... Pare... kilala kita... matagal na tayong magkaibigan...
Manny: /boldly insisting/... Pare... totoo yung sinabi ko... totoo talaga...

Music Bridge

Shara:
/giggles/... Oo, sinabi nga niya yan... bakit? Sino bang nagsumbong saiyo?
Manny: Wala... basta may nakapagsabi lang sa akin...
Jane: Ah, alam ko na kung sino...
Manny: Sino?...
Jane: Si Bartolome... yung kaibigan mong tsismoso...
Manny: /sighs deeply/... Oo na... pambihira naman oo... kung sino pa yung...
Shara: Yung ano?... sige na sabihin mo... yung ano?...
Manny: /sighs/... Wag na lang kaya... nakakahiya naman sainyo... basta pagsabihan nyo na lang yang kaibigan nyo na wag siyang magsasalita ng mga bagay na nakakasakit ng kalooban ng tao...
Shara: Bakit nasaktan ba ang kalooban mo?... ha?...
Manny: Hindi naman... kaya lang... sobra naman siya kung manlait...
Jane: /smiles/... Alam mo kasi... halata namang pareho kayong nagkakagustuhan sa isa’t isa eh... kaya lang... /spell/... p-r-i-d-e... kasi eh...
Shara: Anong...?
Jane: /cuts in/... Pride... yan ang namamahay pareho sa dalawang ito eh...
Manny: Hindi naman... kaya lang... masyado ring mapang-mata yang kaibigan nyo eh...
Shara: Eh ano naman ngayon?...
Jane: Baka gusto mo lang kasi magpatulong sa amin... di ba?
Manny: Eh kasi... talagang tinamaan ako ng lintik na pag-ibig na ito sa kaibigan nyo eh... puwede ba... tulungan nyo naman ako.... love ko talaga si Annie... kaya lang tinatarayan nya ako tuwing nag-uusap kami eh...
Shara: Ayunnnnn..... pumiyok din ang manok... eh di gayon na nga, Jane...
Jane: /smiles/... eh di paayo yan... siyempre... hindi naman tatakbo ang sasakyan kapag walang gasolina...
Manny: A-ha?...
Shara: O, ano na?... alam mo na yan...
Manny: Ang ano?... Sabihin nyo sa akin.. hindi ko ma-gets yung sinasabi nyo ...
Shara: Alam mo, Jane?... Talagang hindi ito makakapasa sa kaibigan natin... manhid eh...
Jane: Seguro nga, Shara... kasi... biruin mo... kanina pa tayo nakatayo dito... ni alukin tayong umupo sa malamig na lugar habang...
Manny: /cuts in/... Ah!... alam ko na... O, sige... halika kayo... maupo na muna tayo sa bench... kukuha lang ako...
Jane: Yannnnnn.... yan ang matagal ko nang sinasabi, Shara... mabait si Manny...
Shara: Matagal ko nang alam yan, Jane...
Manny: O, sige... iiwanan ko na muna kayo ha?... Sandali lang ako... /fades out/...

Comical Music Bridge

Manny: O, heto... may dala ako sainyo...
Jane: Ano yan?...
Manny: Sandwich at ice water.... bakit?...
Shara & Jane: (Mangha)... WHATTTTT????...
Manny: O, bakit?... Eh ito lang ang kaya ng bulsa ko... hindi pa kasi dumarating ang allowance ko eh... pasensiya na kayo nito... ngayon lang...
Jane: /murmuring/... Sandwich nga... pero ang panulak... ice water... naku...
Shara: /sighs deeply/... Hay naku... alam ko na kung bakit?...
Jane: Ang alin?...
Manny: Pambihira naman kayo... ngayon lang... pagdating ng allowance ko...
Shara: Okey... okey na... tutal... and ilalakad natin kay Annie... commensurate lang sa gasoline di ba?... kung 100 kilometers... eh di medyo malayo... Eh kung one kilometer... eh di one kilometer din...
Manny: A-anong ibig mong sabihin?...
Jane: Kami na lang ang nakakaalam nun... thank you na lang sa snacks na ito...
Shara: Mas mabuti pa... /fades out/...
Manny: /self/ A-anong ibig sabihin ng dalawang iyon?...

Music Bridge

Annie:
O, anong sinabi ko sainyo... mas makunat pa yun sa balat ng baka at kalabaw... mabuti nga... pina-snacks pa kayo ng sandwich at ice water....
Jane: /smiles/... Pero, naintindihan ko naman ang kalagayan nya... kasi naman... magsasaka lang ang mga magulang niya... kaya siya nag-aaral ng agrikultura dahil kulang nga ang kita...
Shara: Anong kulang.... Oy, para mas malaman mo... mas malaki ang kita ng isang magsasaka kapag nakarami ng ani... bakit yung uncle ko... tingnan mo... asensado...
Annie: Huwag nating pagtatalunan yan... sabihin nyo sa akin kung ano ang sinabi ng kumag na yun... sige na...
Shara: /smiles/... Hayun... interesado rin palang malaman ng lokang ito kung ano ang sinabi ng love niya...
Annie: Aba... anong love... hindi ah... gusto ko lang marinig ang pinagsasasabi nya tungkol sa akin... yun lang...
Shara: Wala naman... ang sabi niya... may gusto sana siya saiyo... kaya lang... manhid ka raw... hindi mo nararamdaman ang tunay na damdamin niya para saiyo...
Annie: /happily/... Talaga?... sinabi nya yun?...
Jane: O, tingnan mo, Shara... eh di biglang lumiwanag ang mukha nito....
Annie: Hoy... sainyo ko lang ipinapakita ito... pero sa kaniya... hindi...
Shara: Eh bakit kasi... hindi mo pa siya sagutin... gayong pareho naman kayo...
Jane: Siyanga... bakit pa?... ha?...
Annie: /worriedly/... Ang sabi ko naman sainyo... palikero yun eh...
Shara: Annie... kahit na anong klaseng lalake... puro mahilig sa chicks ang mga yan... pero, sa tingin ko naman kay Manny... hindi ah... mabait at puwedeng mapagkatiwalaan...

Music Bridge

Annie: Hoy, Bartolome.. puwede ba kitang makausap?...
Bartolome: Oy, Annie... ikaw pala... bakit?... Anong pag-uusapan natin?...
Annie: Ang tungkol kay Manny... yung kaibigan mo...
Bartolome: Kay Manny?... Naku... confidential... hindi puwedeng pag-usapan natin ang tungkol sa kaibigan ko... mahirap na... baka kung...
Annie: /cuts in?... Kahit na may libreng snacks?...
Bartolome: /happily/... A-ha?... Aba... iba na yan... kung ganyan ang pag-uusapan natin... eh di... ayos lang... saan?...
Annie: Hayun... snacks lang pala ang kailangan mo... O, halika na... dun tayo sa canteen... ako ang maglilibre saiyo ngayon... kararating lang ng allowance ko eh...
Bartolome: /happily/... Mabuti ka pa... ang sa akin... naku... ubos nang pambayad kaya naglalakad na lang ako papunta dito sa university... tutal... medyo malapit... at kung hindi naman ako naglakad... baka hindi mo ako inabangan at nakita...
Annie: Hay naku... ang dami mo pang satsat... halika na nga...
Bartolome: Sigeeee... yun lang naman eh...

Music Finale
Commercial Gap
Music Bridge

Bartolome: Oo pare... gustong-gusto ka niyang maka-usap... in fact, nilibre pa nya ako ng snacks kaninang hapon eh... kaya... puwede mo siyang puntahan ngayong gabi... sige na pare... kausapin mo na... baka...
Manny: Eh kasi pare... medyo nakakahiya eh...
Bartolome: Oh di inamin mo ring natotorpe ka nga kapag kaharap mo siya...
Manny: Hindi ah... aba, siya lang... matotorpe ako?...
Bartolome: Eh kung talagang hindi ka natotorpe kapag kaharap mo siya... bakit ayaw mo siyang puntahan ngayong gabi... aber?...
Manny: Ewan ko nga pare... kinakabahan ako eh...
Bartolome: Pare... siya mismo ang nagsabi sa akin na kailangang makausap ka niya...
Manny: /sighs/...O, sige... pero, samahan mo ako ha?...
Bartolome: Aba, ayos yan... sige... sasamahan kita... para naman makilala ko ang sister niyang mabait na mabait daw...
Manny: Sino?...
Bartolome: Si Anna... yung kakamba niya...
Manny: Ka-kambal?... May kakambal si Annie?...
Bartolome: Oo... bakit hindi mo ba siya nakikita?...
Manny: Hindi ko nga alam na may kakambal siya eh...

Music Bridge

Anna: Hello?... Good evening?... tuloy kayo... halika... tuloy...
Bartolome: Hi!... Ikaw ba si Anna?...
Anna: Ako nga... tuloy ka...
Bartolome: Salamat... /trans/ O, Manny... bakit hindi ka makahuma dyan?...
Manny: P-pare... segurado ka bang si Anna yan?...
Bartolome: Oo... bakit?... duda ka ba?...
Manny: Magkamukhang-magkamukha silang dalawa... p-parang hinating papaya...
Bartolome: Pare... yan ang tinatawag na siamese twin... loko... halika na... tuloy na tayo...
Anna: Sandali lang ha?... tatawagin ko lang si Annie... /fades out/...
Manny: Thank you.../trans/... Pare... p-parang nagkausap na kaming dalawa... pero, hindi ko segurado...
Annie: /fading in/... Hi!... /smiles/... Kumusta na kayo?... Good evening tome...
Anna: Good evening manny...

Comical Stinger

Manny: Alam mo, Annie... ikaw talaga ang mahal ko eh... kaya lang... nanghihina ang loob ko... kasi, mahirap lang kami...
Anna: /giggles/... Ikaw naman... bakit?... hindi naman tinitingnan kung anong klaseng kabuhayan meron ka... basta... mahal mo ang tao...
Manny: Kaya nga, Annie... eh p-pero... teka... nalilito ako... ikaw ba talaga si Annie?...
Anna: Oo... bakit?... Ayaw mong maniwala?...
Manny: Eh paano naman ako makaseseguro na ikaw nga?...
Anna: Heto.../kiss/...
Manny: Hmp... hhmp... ah....
Anna: O, ano... bakit ka napatulala dyan?...
Manny: I-ikaw nga ba?...
Anna: Ako nga... bakit?... nagdududa ka pa ba?... Si Annie ako... hindi si Anna...
Annie: O, ano ate... kumusta na siya?... ayos lang ba?...
Anna: Ha?... Eh kuwan... O, sige Manny... maiiwan na muna kita dyan ha?...O, sige.. ikaw na... may gagawin pa ako...
Manny: /teka/... A-anong?....
Annie: /smiles/... K-kumusta ang kuwentuhan ninyo ni Ate Anna?...
Manny: A-ate Anna?... Si Anna?... Siya ba yun?...
Annie: Oo, siya nga yun... bakit?...
Manny: K-kase... /self/... lokang babae yun... hinalikan ako...
Annie: O, bakit hindi ka na dyan makakilos?...
Manny: A-ha?... W-wala... wala naman... nakakalito naman kayo... hindi ko tuloy malaman kung sino sainyo si Anna at si Annie...
Annie: Alam mo... ang kaibahan lang namin ni Ate ay nasa aming mga daliri sa paa... O, tingnan mo itong paa ko... hindi pantay... ang sa kaniya halos pantay ang mga daliri ng mga paa nya...
Manny: Ganun ba?...

Music Bridge

Bartolome: O, ano pare... ayos ba?...
Manny: Pare... nalilito ako... hindi ko malaman kung sino sa kanila ang liligawan ko... parehong-pareho sila eh... kaya lang mas agresibo si Anna...
Bartolome: Aba pare... baka aagawin mo sa akin si Anna... hindi puwe yan...
Manny: /sighs/... /self/ Paano ba ito?... Tila si Anna yata ang gusto ko eh...
Bartolome: O, ano pare... dalaw ulit tayo sa kanila ha?...
Manny: Sige... ako pa...

Music Bridge

Annie: Alam mo, Ate... mas gusto ko si Bartolome ngayon... simple lang siya at palabiro... pero, si Manny... masyadong seryoso eh...
Anna: O sige.. alin ang saiyo?...
Annie: Si Bartolome na lang...
Anna: Okey... ako na ang bahala kay Manny... Mas gusto ko nga siya... at mahal ko na rin ang loko... dama ko ang tamis ng labi niya ng halikan nya ako eh...
Annie: What?... Hinalikan ka niya?...
Anna: Oo... bakit?... Ayaw mo naman sa kaniya, di ba?...
Annie: /crying/... /fades out/...
Anna: O, bakit?... ano bang nasabi ko sa kanya?...

Music Bridge

Manny: Pasensiya ka na, tome... si Anna talaga ang gusto ko eh... siya kasi ang first kiss ko eh...
Bartolome: Anong first kiss... eh ang dami mo nang girlfriend...
Manny: Ang ibig kong sabihin... siya yung unang babae na unang humalik sa akin...
Bartolome: Ano?...
Manny: Oo... hinalikan niya ako... bakit?... Masama ba yun?...
Bartolome: Pare naman... sa akin si Anna... Mahal ko siya eh...
Manny: Pare.. kahit ako nalilito sa kalagayan nating ito eh...

Music Bridge

Jane:
A ganun... nalilito kayo kung sino ang pipiliin nyo sa dalawa...
Shara: Well... ganito na lang ang gawin ninyo... kung sino ang unang hinalikan ng isa... siya yung dapat na kasintahan niya...
Bartolome: /comical cry/... Waaaaahhhh... naku naman... bakit naman ganyan ang usapan?...
Shara: Bakit?... Ayaw mo?... tutal pareho naman kayong may gusto sa magkapatid eh... so, ito lang ang paraan namin para malaman kung sino talaga ang may gusto sainyo...
Manny: /sighs/... Okey... kayo na nga ang bahala... pero, ako ... alam ko na kung sino talaga ang mahal ko...
Jane: Okey... kailan ang tagpuan?... kayo ang mag-set kung kailan...
Manny: P-pero, ano ang gagawin ninyo?...
Shara: Ang kondisyon ay ganito... kung sino ang gusto ninyo... siya ninyong lalapitan at bibigyan ng kiss... at kung siya na yun.. kayo na rin ang siyang bahalang magpasiya...
Manny: Ang ibig nyong sabihin.... hahalikan namin kung sino talaga ang gusto namin?... Paano kung magalit sila?...
Jane: Eh di problema na ninyo yan...

Music Bridge

Annie: /crying/... Ate... bakit mo naman ginawa yun sa kaniya?... Tuloy... nawalan nang gana yung taong manligaw sa akin...
Anna: Eh paano naman kasi... tulog ka ng pumunta rito... alangan namang iiwanan ko na lang siya... gayong ang akala niya.. ako na nga ikaw...
Annie: Eh bakit mo naman siya binasted nung gabing yun?...
Anna: Eh sa ayaw ko naman talaga sa kaniya eh.. ang nanliligaw sa akin ay si Bartolome... yung kaibigan niya...
Annie: /sniffs/.. Ate... tingnan mo tuloy... panay na lang gawa-gawa ako ng mga kuwento... gayong ikaw naman pala itong may kasalanan eh...
Anna: /sighs/... Sorry na... hayaan mo... sa pagbisita nila rito... ako na ang bahalang magpaliwanag sa kanila tungkol sa bagay na yan... sige na.. magpahinga ka na...

Music Bridge

Manny: A-ano?... Ikaw ang nambasted sa akin at hindi si Annie?...
Anna: Ako nga... hindi ko naman ibig sabihin na saktan kong damdamin mo eh... ang alam ko... patay na patay saiyo si Annie...
Manny: /smiles/ Ang igib mong sabihin ako talaga ang mahal ni Annie?...
Annie: /fades in/... Siyempre naman... si Ate Anna lang kasi ang gumawa ng paraan para magkausap tayo uli... medyo nalito rin ako sa pangyayari eh...
Manny: /smiles/... Wellll... hindi pala problem yun eh... /smiles/... So, totoo ba ang sinabi ni Anna?...
Annie: Na ano?...
Manny: Na mahal mo ako?...
Bartolome: Pambihira ka naman pare... nakita mo na ngang nakahawak na ang kamay niya sa kamay mo... magtatanong ka pa?...
Anna: Oo nga... /giggles/...
Manny: Nakakalito eh... sino ba talaga ang humalik sa akin?... Si Anna or si Annie?...
Bartolome: /laughs/... Pare... huwag mo nang tanungin yan.... sundin mo na lang kung ano ang repeke ng puso mo...

EVERYBODY LAUGHS

Music Finale


THE END

0 Comments:

Post a Comment

<< Home