Ang Tulay kong Pag-ibig
Panulat ni: Gil Lopez Gregorio Sr.
Direksiyon: Melody Recto
Musika’t Tunog: Ato Reynancia
Teknikal Superbisyon: Gener Gensis
Drama Superbisyon: Josie Bergantin
Music Teaser
Emily: /crying/... mahal kita, Fernan...ikaw ang pag-ibig ko... at hindi ito magbabago kailan man... hinding-hindi...
Fernan: /mangha/...A-ha?...E-Emily?... b-bakit ngayon mo lang sinabi sa akin na may pagtingin ka pala sa akin?... ha?.... bakit ngayon lang?...
Emily: D-dahil mahal ko ang kapatid ko... at ayaw ko siyang masaktan...
Fernan: P-pero... i-ikaw ang mahal ko... hindi si joy...
Emily: Huli na ang lahat, Fernan... huli na... at hindi na natin maibabalik pa ang nakalipas... hindi na.../crying.../fades out?...
Music Theme/Standard Intro
Music Bridge
Emily: /happily/ Hi Fernan... kumusta ka na?... wala ba kayong pasok ngayon?
Fernan: Oy, ikaw pala, Emily... mabuti... ikaw kumusta rin?...
Emily: /jokingly/ Heto... maganda pa rin.../laughs shortly/...Ay.. siyanga pala... pakilala ko saiyo... si Joy... kapatid ko... Joy... si Fernan... kaklase ko siya nung college days namin.
Joy: /smiles/... Hi Fernan...
Fernan: O sige... dahil may kasama kang maganda... treat ko kayo sa snacks...
Emily: Wow!... ayos talaga itong kaibigan ko... O, Joy... okey ka ba?...
Joy: /smiles happily/ Aba... call ako dyan... saan?...
Fernan: Siyempre saan pa... kundi sa pinakasikat na kainan...
Emily: Owsss... talaga?...
Fernan: Oo... o, tayo na...
Joy: Okey...
Music Bridge
Fernan: Magandang araw ho... nariyan ho ba si Emily?....
Auring: Oy, Fernan... halika...
Fernan: /smiles/ magandang araw ho, Aling Auring...
Auring: /smiles/ magandang araw din...
Fernan: Si Emily ho... nariyan ho ba?... puwede ko ba siyang maka-usap?...
Auring: Oo... sandali lang at tatawagin ko... /trans/... Emily!... Emily!... anak!... narito si Fernan!...
Emily: /atsom/... sandali lang ho, inay... nariyan na ho...
Auring: Dalian mo, anak... hinihintay ka na ni Fernan...
Emily: /fading in/...oho...
Fernan: /smiles/ Hi Emily!... kumusta ka?...
Emily: /happily/ heto... maganda pa rin... bakit?... may kailangan ka ba sa akin?...
Fernan: Ha?... Eh wala naman... naisipan ko lang kasing pumunta rito sainyo eh...
Auring: O, siya sige... kukuha lang ako ng maiino... sandali lang ha?.. Fernan..
Fernan: /smiles/ salamat ho, Aling Auring...
Auring: /smiles/ Sus, ikaw naman... para kang ibang tao sa amin eh...
Fernan: /smiles/ hindi naman ho...
Auring: Sandali lang ako ha?...
Fernan: Sige ho...
Emily: Ano bang problema mo at nagpunta ka rito?...
Fernan: Wala lang akong magawa sa bahay... naisip kong puntahan kayo rito ni Joy... nasaan ba siya?...
Emily: Hay naku... nasa mga kaibigan niya yun... maya-maya konti... naririto na yun...
Music Bridge
Joy: Oy, Fernan!... naririto ka pala... kanina ka pa ba?...
Fernan: Hindi naman... masayang kakwentuhan itong si Emily eh... kaya hindi naman ako naboring eh...
Joy: Well, magaling kasi yan eh...o, nag-snacks ka na ba?...
Emily: Siyempre naman no... ako pa...
Fernan: Kanina pa nagbigay ng snacks si Aling Auring... nabusog nga ako eh...
Joy: /happily/... Talaga? ... ano yun, Fernan?... sabihin mo sa akin...
Emily: /smiles/ o, sige... maiiwan ko na muna kayo dyan... may gagawin lang ako sa loob... sige, Fernan... /fades out/...
Fernan: Okey lang, Emily...
Joy: O anong sasabihin mo sa akin?...
Fernan: A-ha?... kuwan kasi... gusto ko lang sana imbitahan kita sa pamamasyal...
Joy: Pamamasyal?... naku naman... bakit ngayon mo lang sinabi... sana kahapon para hindi conflicting sa iba kong commitment...
Fernan: Bakit?... may commitment ka bang iba?...
Joy: Meron eh... yung mga kabarkada ko eh pupunta kami sa Mayon Volcano... sa Albay... at pagkatapos pupuntang hoyop-hoyopan cave sa Camalig... naku, maganda raw doon ang tanawin...
Fernan: Aba eh... ang layo naman nun... sa bikol yun ah... para sa ano ba yang trip ninyo?...
Joy: /smiles/ Alam kasi... matagal nang plano ng mga barkada kong makita namin ang mga magagandang tawawin sa Albay ng Bikol... pero, ngayon lang matutuloy dahil nakahingi kami ng assistance eh...
Fernan: P-puwede ba akong sumama dyan?... matagal na ring hindi ako nakakapunta sa bikol eh..
Joy: /happily/... Aba, sure!... sasabihin ko sa grupo... mag-eenjoy ka segurado...
Fernan: Sige... kailan ba ang alis ng grupo ninyo?...
Joy: Mamayang hapon... para kinabukasan naroroon na...
Music Bridge
Fernan: Ang ganda talaga ng Mayon Volcano ano?... pero, may konting pagka-iba na ang hugis kesa nung unang pumunta ako rito...
Joy: /smiles/...Well... at least nakapunta na tayo rito sa ruins... ang sabi nila... maraming nangamatay daw dito sa ruins na ito... at saka tingnan mo ang dating kapanaryo... halos lahat ng parte nito ay lumubog na...
Fernan: Oo nga eh... pero, mas gusto ko pa ring kasama kita...
Joy: /seriously/... F-Fernan?...
Fernan: /smiles/... Oo... mas gusto kong kasama kita palagi sa pag-aalala sa mga nakaraang kabanata ng lugar na ito...
Joy: Sus... naging makata ka yata eh... bakit?... may mga dapat bang alalahanin sa lugar na ito?...
Fernan: /sighs/ Wala naman... masaya lang ako... dahil napasama ako dito... wala naman sana ito sa plano ko eh... siyanga pala... bakit hindi sumama si Emily sa trip na ito?... may problema ba?...
Joy: Hay naku... walang hilig yun sa mga ganitong pagkakataon... alam mo yun... mas gugustuhin niya ang pocketbooks kaysa sa ganitong pagkakataon...
Fernan: /smiles/... mabuti naman kung ganun...
Joy: Bakit?...
Fernan: A-ha?,,, w-wala... wala naman...
Music Bridge
Emily: Oh Fernan... kumusta?... okay ba yung trip nyo sa Albay?...
Fernan: /smiles/... Aba.. oo, ang saya-saya ko nga eh... dahil nakita kong muli ang Mayon...
Emily: So?... anong balita sa Mayon?...
Fernan: /smiles/... Alam mo... marami nang pagbabago sa Mayon... yung dating perfect cone...medyo hindi na...
Emily: Anong ibig mong sabihin?...
Fernan: /smiles/ Hay naku... kung ikukuwento ko saiyo... mahabang estorya... si Joy... naririyan ba?...
Emily: May pinuntahan... bakit, may sasabihin ka ba sa kaniya?...
Fernan: Wala naman... gusto ko lang kasi siyang dalawin eh... siyempre... ikaw rin...
Emily: /laughs shortly/... At bakit pati naman ako, aber?...
Fernan: Siyempre... kaibigan kita eh... o, ano?... may gimik ba kayong dalawa?...
Emily: Sino?...
Fernan: Yung manliligaw mo?...
Emily: Hay naku... wala yun... binasted ko na agad eh... wala siya sa qualifications hinahanap ko...
Fernan: /pabiro/... at ano naman yun, aberrrr?...
Emily: Naku... huwag na lang... baka mag-apply ka pa...
Fernan: Ha?...
Emily: O, bakit bigla kang natigilan dyan?...
Fernan: W-wala... wala... o, sige... aalis na muna ako... pakisabi na lang kay Joy na dumalaw ako ha?...
Emily: Opo... makakarating.../smiles/...
Music Bridge
Emily: Joy... may itatanong lang ako saiyo... puwede?...
Joy: Oo ba... ano yun?...
Emily: Gaano mo kamahal si Fernan?...
Joy: What?... ate naman... kasisimula pa lang nang panliligaw niya eh... pero, ewan ko... hindi ko pa segurado ang damdamin ko sa kaniya...
Emily: /smiles/... halata ko naman eh... panay ang pa-charming mo sa kaniya...
Joy: /smiles/... at bakit?... ako lang ba?.. di ba ikaw rin?...
Emily: /happily/...O siya sige... sabihin mo sa akin kung paano siya nanligaw saiyo, aber?...
Joy: /medyo kiyeme/... Ate naman... huwag na... sa aming dalawa na lang yun...
Emily: /sighs/...okey... ikaw rin... kapag may nanligaw sa akin.. hindi ko rin ikukuwento saiyo... sige ka...
Joy: /giggles/... Sige na nga...
Music Bridge
Emily: /happily/... Hi, Fernan... kumusta ka na?...
Fernan: Mabuti... ikaw?... kumusta ka na rin?... may nanliligaw na bang bubuyog?...
Emily: A-ha?... ah... w-wala pa naman...
Fernan: Si Joy?... puwede ko ba siyang makausap?...
Emily: Naku... wala siya... naroroon na naman sa kaniyang mga barkada...
Fernan: A-ano?... ang sabi niya... hihintayin nya raw ako dito sa inyo... pagkatapos... wala rin pala siya...
Emily: /smiles/ Sus, eto naman... may pinuntahan lang siya... huwag ka nang magalit tutal... naririto naman ako eh... puwede naman tayong magkuwentuhan habang wala pa siya, di ba?...
Fernan: /sighs deeply.... pambihira naman siya... ang akala ko...
Emily: /cuts in/... Naku... huwag ka nang magsalita... baka saan pa yan mapupunta... halika na rito at maupo ka... ipagtitimpla lang kita ng maiinom... sandali lang ha?..
Fernan: /self/ Pambihira namang babaeng yun.. nagkasundo na kaming dito muna kami magkikita sa bahay nila... pagkatapos iniwanan lang ako...
Emily: /fading in/... O, heto... inumin mo na itong malamig na inumin para lumamig yang ulo mo...
Fernan: /smiles/ Salamat, Emily... /drinks/...
Emily: /selfly giggles/... and cute niya talaga... bakit ko pa kasi naipakilala ko pa ito sa kapatid ko... sana ako na lang ang...
Fernan: /cuts in/... Emily... nasaan nga pala si Aling Auring?...
Emily: Ha?... a, nasa palengke... bakit?...
Fernan: Ang ibig mong sabihin tayo lang dalawa dito sa inyo?...
Emily: /happily/ Oo naman no... bakit... masama ba yun?...
Fernan: /smiles/.. A-ha?... naku, hindi naman...
Emily: Puwede ba kitang matanong?...
Fernan: Ano yun?... sige, itanong mo na... /drinks/...
Emily: Mahal mo ba talaga si Joy?...
Fernan: /nabilaokan/umubo/... Oo ba... bakit?...
Emily: /smiles/ Wala lang... /giggles selfly/... kung alam mo lang... love din kita eh...
Fernan: A-ano yung sinabi mo?...
Emily: A-ha?... w-wala... wala naman...
Music Bridge
Auring: Hayyyy.... salamat naman kung ganyan ang pakay mo sa aking anak, Fernan... sige... papuntahin mo na rito ang iyong mga magulang... gusto ko silang makausap...
Fernan: /happily/... Aba, oho... sasabihan ko po sila...
Joy: /happily/... Sus, grabe naman ka-excited ang taong ito...
Fernan: /laughs/...siyempre naman no... para magiging misis na kita...
Joy: /laugs/... oo na...
Emily: /self/... A-ha?.... si Fernan?... mamamanhikan na kay Joy?... Diyosko... hindi... hindi maari ito... hindi ako makakapayag... hindi... /cries/....
Auring: /nabigla/ A-ha?... Emily?... anong ginagawa mo dyan?... ha?...
Emily: /crying/... wala ho inay... wala ho... /fades out/...
Auring: Emily?... Emily?...
Joy: Bakit daw ho, inay?...
Fernan: Bakit ho siya umiiyak?...
Auring: /sadly/... Ewan ko... hindi ko alam...
Music Bridge
Emily: Bakit, Fernan?... bakit mo gingawa ito sa akin?... di ba ako ang una mong minahal?... bakit siya ang pakakasalan mo?...
Fernan: A-ha?....Emily.../sadly/...i-ikaw ang nagpakita sa akin ng motibo para galawin... pero, hindi ko naman kinuha ang pagkababae mo... tinukso mo lang ako, di ba?...
Emily: /crying/... mahal kita, Fernan... ikaw ang pag-ibig ko... at hindi ito magbabago kainlanman... hinding-hindi, Fernan.../crying/....
Fernan: P-pero, Emily... bakit ngayon mo lang ipinahayag sa akin yan... n-na may pagtingin ka sa akin?... bakit?...
Emily: /sobbing/... Ang akala konoon... p-parang laro lang sa akin ang nararamdaman ko para saiyo... kaya nakipagkalas ako noon... pero, ngayon... nararamdaman kong mahal na kita...
Fernan: Emily... matagal na yun... college days pa tayo... ang akala ko... wala ka nang damdamin para sakin... bakit ngayon mo lang sinabi sa akin?...
Emily: /sobbing/... D-dahil mahal ko ang kapatid ko... kaya hindi ko sinabi saiyo noon... ayaw kong masaktan ang kapatid ko... ayaw ko siyang lumuha... pero ngayon... /sobbing/... Fernan... ikaw ang mahal ko... ikaw...
Fernan: E-Emily?...
Emily: Pero... ikakasal na kayo... kaya, wala na akong karapatan pang ipaglaban ang damdamin ko... wala na, Fernan...
Fernan: /lovingly/... p-pero... i-ikaw talaga ang mahal ko, Emily... ikaw talaga at hindi si Joy...
Emily: F-Fernan?...
Fernan: Oo... /seriously smiles/... ikaw talaga... p-puwede pa nating baguhin ang lahat... di ba?...
Emily: No... huli na ang lahat, Fernan... huli na... at hindi na natin maibabalik pa ang nakalipas... hindi na... /crying/.../fades out/....
Music Bridge
Joy: /cryng/... Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin yan, Fernan... /sobs/...
Fernan: /sadly/... I’m sorry, Joy... pero... napilitan lang akong ligawa ka... para lamang ako mapalapit sa ate mo...
Joy: /sobbing/... Pero, bakit ka nag-alok sa akin ng kasal gayong hindi mo pala ako mahal, Fernan... bakit?...
Fernan: Dahil mahal na rin kita ...
Joy: A-ano?...
Fernan: /firmly/...Oo, mahal na rin kita... pero mas hihigit ang pag-ibig ko kay Emily... dahil siya ang unang babae sa buhay ko... dahil siya ang unang pag-ibig ko na mahirap kalimutan... kaya, I’m sorry, Joy... hindi ko kayang lokohin ang sarili ko... siya ang mahal ko... siya...
Joy: /sobbing/... sige... puwede ka nang umalis... umalis ka na...
Fernan: Joy... please intindihin mo sana ang damdamin ko..
Joy: /shouts/... Umalis ka na!... /fades out crying/...
Music Bridge
Fernan: Emily... magsama na tayo... pakasal na tayo... iiwan ko na si Joy... hindi ko siya mahal... ikaw ang mahal ko... ikaw...
Emily: /sobbing/ Ewan ko, Fernan... ewan ko kung alin ang susundin ko... ang puso ko o ang pagkakataong ito...
Fernan: /convincing/... please Emily... makinig ka sa akin... tayo ang magkabagay... tayo ang tunay na nagmamahalan...
Emily: /crying heavily/... Nalilito ako, Fernan... nalilito ako... /crying/... hindi ko alam... hindi ko alam... /sobbing/..
Fernan: Kung gayon... magdesisyon ka ngayon, Emily... sasama ka ba o tutuluyan ko nang pakasalan ang kapatid mo?... sagutin mo ako... mamili ka...
Emily: /crying/... Fernan... hindi ko kayang saktan ang damdamin ng kapatid ko... mahal ko siya... hindi ko kayang agawin sa kaniya ang pag-ibig nya...
Fernan: Emily?!...
Music Bridge
Joy: /sobbing/... Ayoko na, Fernan... ayaw ko nang magpakasal saiyo...
Fernan: W-what?... anong ibig mong sabihin?... hindi kita maintindihan...
Joy: /firmly/... Mahirap bang intindihin?... ayaw ko nang magpakasal saiyo...
Fernan: Joy... /confusingly/... a-ayaw na ng ate mo sa akin... sinabi nyang saiyo na lang ako magpakasal... hindi kita maintindihan...
Auring: /firmly/... Ayaw na ng mga anak ko saiyo, Fernan... iwanan mo na sila... para tumahimik na ang pamilyang ito... sige na... puwede ka nang umalis...
Fernan:/crying/... A-Aling Auring?....
Short Bridge
Fernan: /crying painfully/... Bakit nangyari ito sa akin?.... Bakit?... bakit dalawa silang nawala sa akin?.... Bakit?....../crying/......
Music Extro
END
0 Comments:
Post a Comment
<< Home