Bayad Utang
Panulat ni: Gil Lopez Gregorio Sr.
Musika’t Tunog: Ato Reynancia
Teknikal Superbisyon: Gener Gensis
Drama Superbisyon: Josie Bergantin
Music Teaser
Andrew: /galit/... Walanghiya ka!... ito ang bagay saiyo... hump.../hits/.../hits/...
Lyndon: /reacts/...ugh!... ugh!.. tama na!... tama na, Andrew... suko na ako... suko na ako...
Andrew: /gasping in anger/... kapag hindi mo nilubayan ang kapatid ko... hindi lang ito ang matitikman mo... naintindihan mo?!...
Lyndon: /in pain/... Oo, Andrew... Oo...
Music Bridge/Standard Intro
Music Bridge
Susan: /nagtataka/... Ano?!... sinaktan ka ni Andrew?... Bakit?...
Lyndon: K-kasi... ayaw niyang ligawan ang kapatid niya eh... ewan ko ba... wala naman akong masamang binabalak sa kapatid niya... tunay naman ang intensiyon ko kay Debbie...
Susan: At kung ganyan ang ginagawa saiyo ng kapatid niya, bakit ginaganahan ka pa ring maligawan siya?...
Lyndon: Ewan ko, Susan... ewan ko...o, tama na yang paggagamot mo sa sugat ko...
Susan: O, hayan... ayos na... basta ito lang ang masasabi ko saiyo... kung maari iwasan mo na munang makipagkita kay debbie...
Lyndon: Bakit?... ang akala mo ba’y natatakot ako sa kapatid niya?... hindi ah... kahit kailan... hindi ako natatakot sa lalakeng yun... gusto ko ang kapatid niya... at kahit isang daang libong sibat ang iharang niya sa akin... walang makakapigil sa akin... wala...
Susan: Lyndon?!...
Music Bridge
Debbie: O, bakit ka pumunta dito sa amin... baka abutan ka ni Kuya Andrew... please... hindi na muna tayo magkikita... ayaw kong masaktan ka ng dahil sa akin...
Lyndon: Debbie... mahal kita... hindi puwedeng hindi tayo magkita... miss na miss na kita eh..
Debbie: Lyndon... diyosko naman... pakinggan mo muna itong sasabihin ko saiyo... hindi muna tayo magkikita sa isa’t isa... mahirap na... baka kung ano ang gagawin ni Kuya Andrew saiyo... alam mo namang barumbado ang taong iyon eh..
Lyndon: O sige... pagbibigyan kita... pero, huwag mo nang aasahan na makikipagkita pa ako saiyong muli... dyan ka na... /fades out/...
Debbie: /mangha/... Lyndon... Lyndon... please... makinig ka sa.../sighs/... umalis na siya... Oh Lyndon... sana maintindihan mo ako... sana...
Music Bridge
Andrew: Ano itong nababalitaan kong pumupunta pa rito si Lyndon?... ha?...
Debbie: /sobbing/... bakit mo ba ako ginaganito, kuya?... hindi kita maintindihan eh... wala na ba akong karapatan para sa aking sarili?... ha?..
Andrew: /worriedly/ Debbie... ayaw ko lang na magaya ka sa ibang babae dyan na niloloko lang nga mga lalake... ayaw kong mangyari saiyo yan... sana... maintindihan mo naman ako... para ito sa kapakanan mo, Debbie... okey?...
Debbie: /sobbing/...ang hindi ko maintindihan kuya ay kung bakit si Lyndon ay inihahalintulad mo sa ibang lalake... alam kong mahal ako ni Lyndon at higit-kailanman... mas binibigyan niya ng halaga ang damdamin ko...
Andrew: Sa una lang yan... pero, kapag nakuha na niya ang gusto niya... mawawala rin iyon... at saka, bata ka pa... marami pang pagkakataon na puwedeng dumating saiyo... kaya, ayusin mo yang sarili mo... mag-aral ka ng mabuti para sa kinabukasan mo...
Debbie: Kuya... ako ito.../sniffs/... mas alam ko ang takbo ng sarili ko... alam ko na ang tama at mali... bakit... ganyan na ba kababa ang tingin mo sa akin?...
Andrew: Debbie?...
Music Bridge
Susan: Ano?... pambihira namang kapatid mo yan... pati ba naman ang pansarili mong kaligayahan... pinanghihimasukan na?...
Debbie: Yan nga ang labis kong ikinapagtataka sa kaniya... hindi ko maintindihan kung bakit gayon na lamang ang pagkamuhi niya kay Lyndon...
Susan: Wala ka bang nalalamang dahilan para ganito na lamang ang galit niya kay Lyndon?...
Debbie: Wala... kung meron man... hindi ko alam...
Susan: So, up to now... wala kang alam...
Debbie: Wala... bakit?... may alam ka ba?...
Susan: Wala rin... pero, hamo... tutulungan kita... itatanong ko sa mga kaibigan ng kuya mo...
Debbie: Naku, huwag na... baka mapahamak ka lang nyan...
Susan: Hindi... kayang-kaya ko naman eh...
Debbie: Sige, ikaw ang bahala... pero, mag-ingat ka...
Susan: Oo...
Music Bridge
Sfx: Drinking Spree
Man: Pare... kumusta na iyong kapatid mong maganda?...
Andrew: /lasing na/ Okey lang pare... maganda pa rin... bakit?... kursunada mo?...
Man: Ha?.../smiles/ p-pare... hindi... alam ko namang ayaw mong paligawan ang kapatid mo eh... /smiles/,,, kaya... sorry... kung napagkuwentuhan natin...
Andrew: Phero.. khapag nalaman kong nhanliligaw ka sa kaniya... sorry ka sa akin... bhabhanatan kita, phare...
Man: Phare nhaman... whalang ganyanann...
Andrew: Hindi phare... ayaw kong lhokohin lang ang khapatid ko... dahil kung mangyayari iyon... thotodasin ko ang thaong gagawa nyon... nharinig mo... thothodasin kho...
Music Bridge
Lyndon: Ano?... ganun lang ang nasa isip niya?... bakit?... ano raw ang dahilan sa paghihigpit niya sa kapatid niya?...
Susan: Wala... malabo ang pag-uusap eh... kasi naman... lasing na...
Lyndon: Pambihira ka naman... nagpakahirap ka na rin lang... hindi pa lubos...
Susan: Ikaw ba naman ang makinig sa malayo...
Lyndon: Sige na nga... o, heto... pakihatid mo na lang kay Debbie...
Susan: Ano ito?
Lyndon: Sulat... pakibigay mo na lang kay debbie... importante ikamo ang laman ng sulat na yan...
Susan: Okey... ibibigay iko sa kaniya...
Lyndon: O, heto... pang-snacks mo...
Susan: Salamat... maraming salamat... /smiles/...
Lyndon: Basta seguruhin mo lang na makarating kay Debbie ang sulat kong yan..
Susan: Okey...
Music Bridge
Susan: Hayan... sulat para saiyo...
Debbie: /happily/... kanino galing ito?...
Susan: Siyempre sa sweetheart mo...o, heto... may dagdag pa... tsokolate...
Debbie: Ayyy... salamat ha... Susan... mabait ka talagang kaibigan...
Andrew: /fading in/... ano yang?... akina yan... hump!...
Debbie: /reacts/ K-kuya!... para sa akin ito... akin ito...
Andrew: Kanino galing?!... kay Lyndon?...
Debbie: Kuya.../crying/...
Susan: Andrew... hindi saiyo yan eh... kay Debbie yan...
Andrew: Heh!... tumahimik ka dyan!... wala kang pakialam sa aming magkapatid...
Susan: /galit/ Meron... dahil kaibigan ko si Debbie... ano ka ba?... kahit ba personal na bagay ni Debbie... pinakikialaman mo?!...
Andrew: Hoy... ang mabuti pa... umuwi ka na lang... huwag ka nang makialam pa dito... baka masaktan ka lang...
Debbie: /crying/... Susan...
Susan: Sige... saktan mo ako... loko ka... akala mo hindi kita papatulan...
Andrew: Babae ka lang... huwag ka nang makialam... dyan na nga kayo!... /fades out/...
Susan: Tingnan mong taong iyon...
Debbie: Hayaan mo na siya, Susan... /sniffs/... pasasaan ba’t hihinto rin siya...
Susan: Naku, Debbie... kung hindi lang ako nagpipigil eh... jujuduhin ko na siya eh... babalian ko na ng buto...
Debbie: /sniffs/... Susan, pakisabi na lang kay Lyndon ang nangyari, okey?...
Susan: Eh ano pa nga ba ang sasabihin ko sa pinsan ko... o, sige... aalis na ako
Debbie: Salamat na lang Susan... maraming salamat...
Music Bridge
Andrew: /galit/ Ilang beses ko bang ipinagpapaalala saiyo na tigilan mo na ang kapatid ko, Lyndon...
Lyndon: /galit/ Bakit?... ano bang ikinakatakot mo sa relasyon naming dalawa, ha?... wala naman akong intensiyon na lokohin ang kapatid mo, Andrew... bakit hindi mo man lang bigyan ng pagkakataon na patunayan ko ito saiyo?... ha?...
Andrew: Hayan ang sulat mo sa kaniya... hindi ko binuksan yan... at ito ang tandaan mo... kapag hindi mo pa nilubayan si Debbie... may masamang mangyayari saiyo... tandaan mo yan!...
Lyndon: Andrew?!... Bakit ba ganyan na lang ang galit mo sa akin?... ha?... wala naman akong ginawang masama laba saiyo ah... bakit ganyan na lamang ang pagkamuhi mo sa akin...
Andrew: Ah basta... huwag ka nang humirit pa... baka masaktan ka lang...
Music Bridge
Debbie: Ang lupit mo, Kuya... ang lupit mo!.../crying/... bakit mo kami ginaganito ni Lyndon?... nagmamahalan naman kami eh...
Andrew: /worriedly/... Debbie... di ba sinabi ko na saiyo... ayaw kong maloko ka niya... ayaw kong maging katulad ka sa ibang babae... ilang beses ko bang sasabihin ito saiyo, ha?...
Debbie: /sniffs/... alam kong mahal ako ni Lyndon, kuya...
Andrew: Hindi ka niya mahal, Debbie... making ka sa akin... wala nang ibang dadamay saiyo kapag may masamang mangyayari saiyo... makinig ka sa akin para sa kabutihan mo itong ginagawa ko... makipag-break ka na kay Lyndon... yung mayaman kong kaibigan ang patulan mo... marami siyang pera...
Debbie: A-anoooo???...
Andrew: Oo Debbie... matagal ka na niyang gusto... gusto ka niyang pakasalan pagkatapos mong mag-aral sa kolehiyo... in fact, siya ang nagtutustos sa pag-aaral mo...
Debbie: K-kuya?... anong ibig mong sabihin?... sino siya?... hindi ko siya kilala... sino siya, kuya... sino?...
Andrew: Hayaan mo... magpapakilala rin siya saiyo... balang-araw...
Debbie: Ayaw ko nang ganitong kasunduan, kuya... hindi ko siya kilala at kahit kailan hindi ko pa nakikita ang kululuwa ng taong sinasabi mo sa akin...
Andrew: Kaya nga... sundin mo lang ako... para na rin sa kabutihan mo ang lahat ng ito... please... makinig ka sa akin, Debbie... please...
Music Bridge
Susan: What???... diyosko naman yang kuya mo... bakit?... isa ka bang kaladkaring babae para ipagkasundo ka na lamang sa isang lalake na ni minsan ay hindi mo pa nakikilala?...
Debbie: Ewan ko nga, Susan... pero, iyon ang sabi nya sa akin... pagkatapos ko raw ng graduation... saka na magpapakilala ang lalakeng yun...
Susan: Hay naku... huwag kang maniwala sa kaniya... baka, ibinibenta ka na niya sa lalakeng iyon... wala ka pang kaalam-alam...
Debbie: /sighs/... yan nga ang ikinakatakot ko eh... Susan, tulungan mo ako...
Susan: O, ano na naman yan?... baka...
Debbie: /cuts in/ Hindi... pakiabot mo na lang ito kay Lyndon... sulat ito... please... huwag mong kaliligtaang ibigay iyo sa kaniya...
Susan: Hay naku naman... ang hirap na maging tulay sa inyong dalawa... mukhang mapapagod na ako... ako tuloy ang nasa gitna ng nag-uumpugang bato eh...
Debbie: Please naman, Susan... okey?...
Susan: Eh ano pa nga bang magagawa ko... akina na nga yan...
Debbie: /happily/... Salamat, Susan... hayaan mo... makakabayad din ako ng utang na loog saiyo balang-araw...
Music Bridge
Amado: O, Lyndon... anak... kumusta na ang pag-aaral mo ngayon?...
Lyndon: Naku daddy.... ikaw pala... ayos lang ho, dad... matataas ang grades ko ngayon...
Susan: Siyanga, Uncle.../smiles/... inspirado kasi eh...
Amado: Talaga ha?...o, sige... magbihis na kayong dalawa at lalabas tayo...
Lyndon: Ho?... totoo po ba yan, daddy?...
Amado: Aba, siyempre... bakit kailan ba ako nagbiro?...
Susan: Oo nga naman... o, tayo na... magbihis na tayo... dali na.. baka magbago pa ang isip ni uncle eh...
Lyndon: /fading out/ Sandali lang ho, dad...
Music Bridge
Sfx: Graduation Song/People shouting at the background
Andrew: /happily/... Congrats sis...
Debbie: Salamat kuya...
Andrew: O halika na... tutuloy na tayo sa restaurant...
Debbie: What?... sa restaurant?... bakit kuya?... naghanda ka ba talaga at sa restaurant ang celebration natin?...
Andrew: Siyempre naman... kapatid ko yatang bunso ang naggraduate sa kolehiyo...
Debbie: Kuya.../smiles/... maraming salamat...
Andrew: O, ano bang hinihintay natin?... tayo na...
Music Bridge
Amado: Congratulations anak!... nakapag-graduate ka na rin sa kolehiyo...
Lyndon: Salamat ho, dad...
Susan: O, uncle... tayo na tutuloy na tayo sa restaurant...
Lyndon: What?... sa restaurant?... bakit?... may handa ba tayo?... ang akala ko sa bahay na lang tayo, daddy...
Amado: /happily/... no... hindi... sa restaurant tayo tutuloy... halika na... baka maabutan pa tayo ng traffic... alam mo... pag ganito... masyadong matraffic na eh... baka hindi na tayo makalalabas sa may expressway...
Susan: Oo, si uncle naman... bakit sa expressway pa tayo... eh..
Amado: /cuts in/... Susan... hindi mo ba naintindihan ang ibig kong sabihin?...
Susan: Ay!... oo nga pala... o, sige... Lyndon... tayo na... dadaan pa pala talaga tayo sa expressway.../smiles/...
Lyndon: /Taka/... expressway?... bakit?... a-anong...
Amado: Mamaya ka na magtanong... tayo na...
Music Bridge
Andrew: O, dito ka lang ha?... hintayin nating dumating ang iba nating makakasama sa celebration...
Debbie: Bakit?... nasaan ba sila, kuya?...
Andrew: Darating na yun...
Debbie: /suya/self/... pambihira naman... ni hindi ko man lang nacongratulate si Lyndon...
Andrew: O anong sinasabi ko dyan?...
Debbie: A-ha?... wala kuya... wala... bakit nandito sa sulok na ito, kuya... puwede namang doon tayo sa may gitna na yun eh... bakit dito pa?...
Andrew: Debbie... sandali na lang tayo... dito ka lang muna.. may pupuntahan ako... /fades out/...
Debbie: Ano?... iiwan mo ako dito?... o, tingnan mo... umalis na kaagad...
Music Bridge
Lyndon: Daddy... ano ba talaga ang sorpresa mo sa akin?... hindi ko maintindihan eh... sige na sabihin nyo na sa akin... masyado mo naman akong sinasabik eh...
Amado: Don’t worry son... you’ll be surprised...
Susan: Siyanga naman insan... easy ka lang dyan... o, heto... lalagyan ko ng piring ang mga mata mo, okey?...
Lyndon: What?...
Amado: Sige na anak...
Music Bridge
Andrew: O, halika... pero, teka... lalagyan ko ng piring ang mga mata mo, okey?
Debbie: Kuya?... bakit?... ano bang gagawin mo sa akin?...
Andrew: Surprise... o, hayan may piring na ang mga mata mo... o, dahan-dahan ang lakad... sige... umupo ka na... yan... yannn... yannn ganyannn...
Debbie: Kuya... ano ba ito?.. hindi ko maintindihan eh... kinakabahan ako eh...
Andrew: Hindi.. ipapakita ko lang saiyo ang future husband mo...
Debbie: What?... hindi... ayoko...
Susan: Huwag ka nang pumalag, Debbie... sandali na lang ito...
Debbie: Susan?... kanina ka pa dyan?...
Andrew: O, sige... alisin mo na ang piring sa mga mata mo...
Debbie: A-anong ibig sabihin nito... bakit?.../mangha/... Lyndon?... ikaw ba?...
Lyndon: /happily/ Ako nga, Debbie.../laughs/... hindi ko akalain na ito ang...
Debbie:Oh, Lyndon.../embracing/... ikaw pala///
Amado: O, ano anak... okey ba ang sorpresa ko saiyo?...
Lyndon: Dad... thank you!... hindi ko akalaing... ito ang magiging sorpresa mo sa akin...
Andrew: May kasunduan kami ng daddy mo, Lyndon... siya ang lumapit sa akin... di naman ako nakatanggi eh...
Debbie: Kuya... maraming salamat... maraming salamat...
Susan: O, di happy ending din.../laughs/...
Music Bridge
Debbie: /happily crying/... Kuya... maraming salamat...
Andrew: /happily/ Alam ko, Debbie... alam ko... ginawa ko lang iyon dahil gusto kong mapabuti ka sa buhay mo... ayaw kong magaya ka sa ibang babae na nagpadala ng bugso ng kanilang damdamin... at hindi na nagtatapos ng pag-aaral...
Debbie: /sniffs/... kuya...
Amado: So... what can we do now?... ha?... kumpare?...
Andrew: Kumpare... don’t worry... okey na ako sa proposal ng anak mo...
Debbie: Magkakilala kayo?
Amado: Oo... magkasosyo kami sa business venture namin... at ang relasyon nyo ay matagal na naming alam...
Susan: Yan ang hindi ko talaga alam, Debbie... hindi ako kasali sa conspiracy na ito.../smiles/...
Debbie: Di okey lang... at least, narito pa rin si Lyndon eh...
Lyndon: So... daddy... puwede bang sabihin ko na sa kaniya?...
Amado: Go on... do it son...
Susan: Siyanga naman pinsan... sabihin mo na...
Lyndon: Debbie?...
Debbie: Lyndon?...
Lyndon: Will you marry me?...
Debbie: What?... y-yes!... yes na yes!... Lyndon... yes na yes!...
Everybody Laughs
Music Extro
END
0 Comments:
Post a Comment
<< Home