Mga Kuwento ng Pag-ibig

Ito ay mga radio scripts ng mga kuwento sa pag-ibig na isinulat ni Gil Lopez Gregorio Sr na kilala bilang Geopoet sa Cyberspace at Gregorio Lopez Moreno sa panulat niya sa radyo brodkast. Ang mga kuwentong ito ay isinahimpapawid sa mga Drama Programs ng Bombo Radyo Philippines. Nais pong ibahagi niya ang mga ito sa lahat ng mga mambabasa sa buong mundo.

Thursday, October 21, 2004

Karapatan Ko ring Umibig

Sinulat ni: Gil Lopez Gregorio Sr.
Musika’t Tunog: Ato Reynancia
Teknikal Superbisyon: Gener Gensis
Drama Superbisyon: Josie Bergantin

Music Teaser

Marla: /galit/ Hindi kami makapapayag na mag-asawa ka na, Emily... sinong maiiwan dito sa bahay para mag-alaga sa tumatanda na nating mga magulang?... ikaw ang bunso... at tradisyon ng ating mga ninuno na kung sino ang bunsong babae ay siyang may responsibilidad na mangangalaga ng mga tumatandang mga magulang....
Emily: /shouting/ Kalokohan!!!... isang malaking kalokohan ang tradisyong yan na ipinamulat sa atin ng ating mga ninuno... hindi puwede yan!... kayo ang matatanda sa akin at may magagandang trabaho... bakit ninyo ipinapapasan sa balikat ko ang pag-aaruga sa mga magulang natin... di ba magulang nyo rin sila?!...

Music Theme/Standard Intro
Music Bridge

Robert: O, Emily... ikaw na muna ang bahala dito sa bahay ha?... sina inay at itay.... huwag mong pababayaan...
Emily: Opo, Kuya...
Robert: At kapag may kailangan kayo... tumawag na lang kayo sa aking opisina...
Emily: Kuya... kailan ba ako puwedeng pumunta ng Maynila... matagal ko na sanang makapunta doon eh.. para makapagpasyal man lang...
Robert: Naku, Emily... huwag na muna ngayon... kailangan ka dito sa bahay natin... mas kailangan ka nina itay at inay... alam mo naman... tumatanda na sila...
Emily: /sighs/... Opo, kuya...
Marla: /fading in/... O, kuya... ready ka na ba?...
Robert: Oo... kanina pa nga kita hinihintay eh... ang tagal mo namang magbihis... inubos mo na yata ang salamin...
Marla: /smiles/... sus naman kuya... parang bago ka pa rin ng bago sa akin eh...
Robert: O, sige sige... o, iwanan mo na ng pera si Emily para sa pangangailangan naman nila dito sa bahay...
Marla: Bakit?... hindi mo pa ba binigyan?... nagbigay lang ako nung isang linggo ah... ikaw naman kuya...
Robert: Diyosko naman, Marla... naubos na nga ang suweldo ko para sa mga gamit na binili ko para sa inay at itay...
Marla: O siya sige... o, heto, Emily... tatlong libo yan... para yan sa dalawang linggo...
Emily: Opo, ate...

Music Bridge

Shiela: O, kumusta ka na?... bakit ganyan na naman ang drowing ng mukha mo?... may problema ka ba?...
Emily: Wala naman... kaya lang...
Shiela: Kaya lang, ano?...
Emily: Ako na naman ang naiiwan dito sa bahay...
Shiela: Ikaw naman... hayaan mo na ang mga kapatid mo... tutal, hindi naman sila nagkukulang sa kabibigay sainyo ng pera para sa pangangailangan nyo, di ba?...
Emily: /sighs/... hindi yun ang ibig kong sabihin...
Shiela: Eh ano?...
Emily: /sighs/... hanggang kailan ako dito sa amin?... gusto ko na ring umalis para humanap ng trabaho... ayaw kong umaasa na lang palagi sa kanila...
Shiela: Emily... masuwerte ka nga... at may kuya at ate ka pang nagbibigay sa inyo... tingnan mo ang iba dyan... wala... halos magmamalimos na nga ang mga magulang para lang may makain...
Emily: Oo, alam ko... pero, hindi naman seguro habangbuhay na ganito na lang ako... may sarili rin akong pangarap... at pangangailangan... /pause/... Bakit?... sila lang ba ang may karapatan para sa kanilang buhay?...
Shiela: Ewan ko nga sainyo... bakit hindi mo na yan sabihin sa mga ate at kuya mo?...
Emily: Wala pa akong lakas ng loob na sabihin ito sa kanila...
Shiela: Eh ikaw rin naman pala ang may kasalanan eh... bakit hindi mo kasi sabihin sa ikanila ang nasa loob mo?... huwag mong itago... naku, kapag sumabog yan... matindi...
Emily: /sighs deeply/... ewan ko ba...
Shiela: Hay naku, Emily...kung panay lang nang buntonghininga mo dyan... walang mangyayari... ano kaya kung minsan, kausapin mo ang pamilya mo para naman malaman nila ang mga nasa loob mo... hindi yung tinatago mo lang sa sarili mo... hindi sila ang naghihirap... kundi, damdamin mo lang...

Music Bridge

Shiela: O kumusta na ang kaibigan ko?...
Calvin: Sino?... si Emily?... naku, hindi pa nga nakakapagsimulang manligaw eh... tulungan mo naman ako sa kaniya...
Shiela: Kuya... hindi puwede... kaibigan ko yun eh.... alam ko namang playboy ka eh... baka maisama mo pa sa bilang ng mga chicks mo si Emily... naku, kuya... akoang makakalaban mo kapag ginawa mo yan... mabait na kaibigan ko si Emily...
Calvin: Sis naman... mabait naman ako eh... hindi ko lolokohin ang kaibigan mo...
Shiela: Well, sorry ka na lang... hindi ko puwedeng ipahamak ang kaibigan ko...
Calvin: Kahit na may libreng sine at snacks?...
Shiela: Ha?... Naku... dyan tayo puwedeng magkasundo...o, kailan mo ako papanoorin ng sine?...
Calvin: Nasa saiyo eh... kung noon pang una kong hirit saiyo eh... inayos mo na kaagad... eh di nakarami ka na sana sa akin...
Shiela: /smiles/ hayaan mo... sasabihin ko sa kaniya na may crush ka...
Calvin: Naku... huwag na... basta ipakilala mo lang ako sa kaniya... tapos ako na ang bahala sa kasunod... o, ano?....
Shiela: O sige... pero...
Calvin: Alam ko na yan...o, heto... isang daan yan... imbitahan mo siyang magsnacks...
Shiela: Sige....

Music Bridge

Shiela: Sandali lang naman tayo, Emily... may pera ako... hindi ikaw ang magbabayad... sige na...
Emily: Eh.... baka bigla na lang akong hanapin nina itay at inay eh... baka isusumbong na naman nila ako kina kuya at ate...
Shiela: Ako na ang magpapaalam sa knila para saiyo... o, ano?...
Emily: Sige... basta ikaw na ang magpaalam... okey ako dyan...
Shiela: /happily/... ayos... o, sige... bihis ka na...
Emily: Ano?... ngayon na?...
Shiela: Oo... bakit?... kailan pa ba?...
Emily: O, sige... ipaalam mo na muna ako...
Shiela: Oo, sige na... ako na ang bahala...

Music Bridge

Shiela: O, ano?... eh di pinayagan ka rin ng itay at inay mo... mababait naman pala sila eh...
Emily: /smiles/ alam mo... medyo mahihirapan sana akong magpaalam kung wala ka... masyadong estrikto sina itay at inay eh...
Shiela: Sus... natural lang yun sa mga magulang... siyempre... ang iniisip nila ay ang kalagayan mo rin.. gusto rin naman nilang lumigaya ka kahit papano...
Emily: /smiles/ Nagpapasalamat nga ako saiyo eh... dahil kundi saiyo... wala sana akong dahilan para lumabas...
Shiela: O, hayan na pala ang kuya ko...
Emily: Ha:... anong ibig mong sabihin...
Shiela: Alam mo... siya talaga ang may pakana nito eh... gusto ka raw niyang makilala...
Calvin: /fading in/... good morning... Emily... Shiela...
Shiela: Kuya naman... tanghali na... ten o’clock na ng umaga eh...
Calvin: Hindi umaga pa yan, di ba Emily?....
Emily: A-ha?...oo nga naman, Shiela.../smiles/self/... ang guwapo pala ng kapatid ni Shiela... at ang ganda ng kaniyang pilikmata... parang sa babae...
Calvin: O, anong order nyo?... akong taya... sige na... umorder na kayo...
Shiela: O, Emily... anong tinitingnan mo... order na daw...
Emily: A-ha?... oo, sige... umorder ka na lang, Shiela... kahit na ano sa akin eh...
Calvin: /pabiro/ Naku... walang pagkain na ang tawag ay kahit ano dito...
Emily: Hindi... ang ibig kong sabihin... kahit anong orderin ni Shiela para sa akin...
Calvin: Ah ganun ba?...
Shiela: O, sige... kuya... ikaw ang mag-order dahil ikaw naman ang magbabayad sa kakainin natin, di ba?
Calvin: Sige.../calling/ Ah... waiter!...

Music Finale
Commercial Break
Music Bridge

Marla: Ano itong nababalitaan kong nakikipag-boyfriend ka na raw, Emily?
Emily: O, ano naman ang problema doon, ate?... wala di ba?...
Robert: Meron... napapabayaan mo ang pag-aasikaso mo kina itay at inay...
Emily: Kuya... sina itay at inay naman ang nagbibigay sa akin ng permiso eh... kung nagsabi silang hindi... hindi naman sana ako lumalabas na kasama ang nanliligaw sa akin eh... alangan namang...
Marla: /cuts in/ Ah basta!... mula ngayon... tigilan mo na ang pakikipagkita mo sa boyfriend mong iyon...
Emily: /nabigla/ Ate... hindi ko pa boyfriend yun... nanliligaw pa lang...
Robert: Kahit na... doon din ang tungo nyan...
Emily: /medyo suya na/... teka nga... bakit ba ako na lang ang palagi ninyong nakikita?.... Bakit? ako lang ba ang may responsibilidad sa mga mga magulang natin upang mag-aruga at magbantay sa kanila?... di ba mga anak din kayo?...
Marla: /galit/ Tumigil ka, Emily!... kapag hindi ka sumunod sa amin ni kuya... babawasan namin ang allowance ninyo dito... tandaan mo yan!...
Emily: /mangha/ Ate?!...

Music Bridge

Shiela: O bakit iyak ka naman ng iyak dyan?... anong nangyari?...
Emily: Ayaw nina kuya at ate na makipagligawan ako... ayaw nilang may boyfriend daw ako...
Shiela: Ano?... naloloko na ba sila?... eh karapatan mo ring lumigaya ano?...
Emily: /sniffs/... yun nga eh... pero, talagang ayaw nila...
Shiela: Hay naku, Emily... ngayon ko lang naintindihan kung bakit ganyan na lamang ang nararamdaman mo laban sa mga nakatatanda mong kapatid...
Emily: Eh ano naman ang magagawa ko?.../sniffs/ eh sila itong bumubuhay sa amin nina itay at inay...
Shiela: Oo nga naman.../isip/...teka, sandali... paano kaya kung kumuha na lang kayo ng katulong para mas okey, di ba?
Emily: Ha?.../biglang saya/... oo nga ano?.. bakit hindi ko nga pala naisip na i-suggest yan... oo, tama... sasabihin ko sa kanila...

Music Bridge

Robert: Ano?... katulong?... naku, dagdag konsumo lang yan... embes na ipambayad natin sa katulong... eh di ibili na lang natin ng pagkain... o, di mas ayos yun... kesa ba naman sa kumuha pa tayo ng katulong... at saka, naririto ka naman ah...
Emily: Kuya... hindi habang panahon na naririto ako... may sarili rin akong pangarap na para rin sa akin...
Marla: Mag-aasawa ka na?... naku, yan ang hindi namin puwedeng payagan na mangyayari... ikaw ang bunsong anak na babae... ikaw ang mangangalaga sa mga magulang natin tumatanda... dahil yun ang tradisyon ng ating angkan...
Emily: /galit/shouts/... Kalokohan!... isang malaking kalokohan yan, ate!... Bakit?... wala ba akong karapatang umibig?!... at magkaroon ng aking sariling pamilya?...
Robert: Hindi pa sa ngayon, Emily... kailangan ka pa nina itay at inay... ano ka ba?... hindi mo kami naintindihan?...
Emily: Hanggang kailan, kuya?... ate?...
Marla: Habangbuhay pa sina itay at inay...
Emily: Ano?!...

Music Bridge

Calvin: Diyos ko naman, Emily... bakit biglaan itong sinabi mo sa akin... hindi pa ako masyadong handa sa ngayon eh...
Emily: Eh di ayaw mo sa akin?...
Calvin: Hindi naman sa ganun eh... alam mo namang mahal na mahal kita eh... pero, ang magtanan... Diyosko... hindi ko pa kaya yun...
Emily: Kung gayon... hindi pala kita maaasahan sa ganitong pagkakataon...
Calvin: Emily, makinig ka sa akin... okey?... ganito...
Emily: /cuts in/... Kung ayaw mo eh di ayaw!... dyan ka nga!... /fades out/...
Calvin: Emily... Emily!... please... makinig ka muna sa akin... Emily!...

Music Bridge

Emily: Hindi ko pala maaasahan ang kuya mo, Shiela... isa siyang duwag na lalake... hindi ko siya puwedeng asahan...
Shiela: Eh sino ba naman ang hindi mabibigla sa sinabi mo sa kaniya... eh nanliligaw pa lang saiyo... hayun, gusto mo na kaagad na itanan ka...
Emily: /sobs/... hindi ko na talaga kaya pang manirahan sa loob ng aming bahay, Shiela... gusto ko nang kumalas... gusto ko nang makahulagpos sa isang tanikalang responsibilidad na ibinigay sa aking ng aking mga magulang...
Shiela: /smiles/ Emily... tandaan mo... hindi yan ibinigay saiyo ng Diyos kung hindi mo kaya...
Emily: /firmly/... hindi ito ang ibinigay ng Diyos, Shiela... ang mga ninuno at mga magulang ko... ang ate’t kuya ko... sila ang nagbigay nito sa akin na laban sa aking kagustuhan...
Shiela: Hamo... kakausapin ko ang kuya ko...

Music Bridge

Calvin: Ano?!... ni hindi pa nga niya ako sinagot eh... alam mo, Shiela... ayaw kong magkaroon ng isang kaugnayan sa isang babae... for convenience... no... ayaw ko ng ganyan... kung talagang mahal niya ako... eh di sinabi nya sana sa akin...
Shiela: Yun na nga, kuya... mahal na mahal ka ni Emily... kaya nga ikaw ang kaniyang pinagkatiwalaan eh... bakit?... kung hindi ka niya mahal... maglalakas ba ang loob nun na sabihin saiyo ang mga bagay na iyon?
Calvin: /sighs/ Ewan ko ba...
Shiela: Kuya... hindi sa nanghihimasok ako sa damdamin mo... pero, alam kong mahal na mahal ka niya... at ikaw na lang ang tanging pag-asa niya para makahulagpos sa kasalukuyan niyang kalagayan...
Calvin: /sighs/... pag-iisipan ko pa, Shiela... pag-iisipan ko pa...

Music Bridge

Emily: /happily/...Oh Calvin... pinaligaya mo ako... mahal na mahal kita... at hindi ko ito makakalimutan...
Calvin: /sweetly/... Emily, mahal din kita eh... kaya... kahit na medyo mahihirapan ako... sinige ko na itong plano mo... pero, hindi kaya magagalit ang mga kuya at ate mo?...
Emily: /firmly/... wala na akong pakialam sa iisipin nila... basta ako... narito sa tabi mo at nagmamahal ng lubos...
Calvin: /sighs/ Ang hirap nitong kalagayan natin.. medyo maliit pa ang kinikita ko sa pagmamaneho... baka hindi ko kayang ibigay ang luho na ibinibigay saiyo ng pamilya mo...
Emily: Naku... huwag mong isipin yan... kahit na ano... kakayanin ko para saiyo...
Calvin: /smiles/ Salamat naman kung ganun... hayaan mo... sisikapin kong magampanan ang lahat ng tungkulin ko bilang padre de pamilya...

Music Bridge

Emily: Bakit kayo naririto, kuya?.. ate?...
Robert: /smiles/ Emily... I’m sorry... naririto kami dahil sa pakiusap nina itay at inay eh... matagal ka na ring hindi umuuwi sa atin...
Emily: Maligaya ako rito, Kuya...
Marla: /smiles/ Alam namin yun, Emily... kaya nga naririto kami para kausapin ka namin...
Emily: Kung kakausapin nyo ako para bumalik sa poder ninyo... no... hindi na... buntis na ako... so... wala nang iwanan ito... at mahal ko si Calvin... mabait ang asawa ko... masipag... at maaalalahanin...
Robert: /lovingly/ Emily... mahal ka rin namin... ang lahat ay ginagawa namin para saiyo at sa ating mga magulang... kaya lang, nagkamali kami... hindi pala sa materyal na bagay puwedeng lumigaya ang isang tao...
Marla: Siyanga, Emily... at ikaw ang nagpamulat sa amin para mapag-isipan ang lahat...
Emily: /firmly/... So?... Anong gusto nyo ngayong mangyayari?...
Robert: /smiles/seriously/... Emily... magpakasal kayo ni Calvin... kami ang sagot... ayaw naming maging illegitimate child ang pamangkin namin... tulad natin...
Emily: /tearfully/... Kuya?... totoo ba itong naririnig ko, ha?...
Marla: /smiles/ Oo, Emily... totoo... gusto na rin naming makasal kayo ni Calvin para sa ikakatahimik ng lahat...
Emily: /sobbing/ Kuya... Ate... ang akala ko... hindi nyo ako mahal eh...
Calvin: /fading in/...Ako ang nagsabi sa kanila tungkol sa mga bagay na ito, Emily...
Emily: /tearfully/... Calvin... /sobbing/... hindi ko sukat akalain na...
Calvin: Sssshhhh... tahan na... mahal na mahal naman talaga kita eh... pero, sa tingin ko mas hihigit ang pagmamahal kapag may basbas na galing sa Diyos...
Emily: /sobbing/ Calvin... napakabait mo...
Marla: O, ano pang hinihintay natin?... tayo na... hinihintay na tayo sa simbahan...
Emily: /mangha/ What?!... ngayon na?!...
Calvin: /laughs/.... Oo!...
Everybody Joyfully Laughs...

Music Extro


END

0 Comments:

Post a Comment

<< Home