Ang Kasalanan ko’y hindi niya kasalanan
Panulat ni: Gil Lopez Gregorio Sr.
Musika’t Tunog: Ato Reynancia
Direksiyon: Melody Recto
Teknikal Superbisyon: Gener Gensis
Drama Superbisyon: Josie Bergantin
Music Teaser
Orlando: Bakit mo ba ibinabaling sa anak ko ang paghihiganti mo sa akin?... Ha?... wala siyang kasalanan... at hindi niya alam ang nangyari sa atin noon... Bakit mo siya idinadamay sa kasalan ko?... ha, Olivia?
Olivia: /firmly/angry/... dahil ang katulad din siya ng kaniyang ama... katulad mo rin siya... isang manloloko at walang isang salita... manloloko!... manloloko!.,..
Music Theme
Standard Intro
Music Bridge
Orlando(oldman): O, anak... bakit ka ginagabi ng uwi?... ha?...di ba kanina pa nagsipag-uwian ang mga katrabaho mo?...
Jun: Itay.../smiles/... Malaki na ako... kaya ko namang pangangalagaan ang sarili ko eh... bakit pa kayo mangangamba sa akin?...kaya ko na---
Orlando: /cuts in/calmly/ Anak... mabuti na yung nagpapaalala ako saiyo... baka may masamang mangyari saiyo habang pauwi ka dito.. mahirap na...napakaraming tarantado ngayon na nagliliwaliw sa lansangan...
Jun: /smiles/ Itay... ginabi ako dahil hinatid ko ang kasintahan ko... alangan namang hindi ko siya ihahatid...
Orlando: /sighs/ Ganun ba?... o, sige... magbihis ka na’t kumain... nakahanda na ang pagkain mo sa mesa.... pinahanda ko na yan bago pa man umuwi yung katulong natin sa kanila...
Jun: /smile/... Opo, itay... sige ho... maiiwan ko na muna kayo...
Orlando: Sige na anak...
Music Bridge
Lourdes: Mano po, inay...
Olivia: Kaawaan ka ng Diyos, anak... nasaan na yung naghatid saiyo?...
Lourdes: /smiles/... Inay... hindi na ho tumuloy dahil baka raw gabihin siya sa pag-uwi... alam nyo... mahigpit ang itay niya eh... pinapagalitan raw siya kapag ginagabi ng uwi...
Olivia: A-sus... ano bang klaseng manliligaw mo yan... takot sa itay niya?...
Lourdes: /smiles/ Hindi naman ho, inay... sadyang maaalalahanin lang si Mang Orlando eh...
Olivia: /taka/ Mang Orlando?... tagasaan ba silang mag-anak?...
Lourdes: Yan ho ang hindi ko pa alam... basta ang sabi sa akin... galing daw po ang tatay niya sa probinsiya... hindi naman sinbi kung anong probinsiya...
Olivia: Ganun ba?... o, sige... magbihis ka na’t makakain na tayo...
Lourdes: Ho?... hindi pa rin kayo kumakain?...
Olivia: Oo... hinihintay kasi kita eh... alam mo naman... ayaw kong kumain na nagsosolo...
Lourdes: /smiles/ o, sige ho... sandali lang at magbibihis na ho ako...
Music Bridge
Jun: Alam mo, Lourdes... pina-alalahanan na naman ako ng itay na dapat daw maaga akong umuwi... kagabi nga... parang galit sa akin eh...
Lourdes: /smiles/ Hayaan mo na siya... ganyan lang talaga ang mga tumatanda na eh... /smiles/ masyadong nerbiyoso lalo na’t solong anak ka eh...
Jun: Oo nga... nandyan na ako... pero... malaki na ako... binata na... may isip na ako eh...
Lourdes: O, bakit naman ganyan ang tono ng pananalita mo?... galit ka ba sa itay mo?...
Jun: Medyo...
Lourdes: Anong medyo?...naku Jun... masama yang may hinanakita ka sa magulang mo... kasalanan yan sa mata ng Diyos...
Jun: /sighs deeply/... Alam ko naman yan, Lourdes... /sighs/... kaya lang, hindi mo maiiwasan paminsan-minsan ang maghihinanakit... lalo na kung parang sinasakal ka na sa sobrang higpit... sobrang pagmamahal naman yan...
Lourdes: O, siya sige... para huwag ka nang pagalitan... huwag mo na akong ihahatid sa amin...
Jun: Ano?... hindi puwede yan... ako pa rin ang masusunod... ihahatid kita sainyo... sa ayaw at sa gusto ng itay ko o sa ayaw at sa gusto mo...
Lourdes: /giggles/ Sige na nga... baka magtampo pa sa akin ang ma-ma...
Music Bridge
Jun: Magandang umaga po...
Olivia: Bakit amang... sino ang kailangan ninyo?...
Jun: Ako po si Jun... kaibigan ni Lourdes...
Olivia: /mangha/...A-haaa?... /self/... p-parang kamukha siya ni...
Jun: /cuts in/... Nandyan ho ba si Lourdes?... gusto ko kasi siyang samahan na magsimba eh...
Olivia: /nabigla?... A-ha?... eh k-kuwan... h-halika... halika, tuloy ka muna... sige... maupo ka... tatawagin ko lang ang anak kong si Lourdes...
Jun: /smiles/... salamat ho...
Music Bridge
Olivia: Lourdes!... Anak!... naririto na ang kaibigan mo!...
Lourdes: /smiles/fading in/... Oho... kanina pa ba siya, inay?...
Olivia: Hindi naman... kararating lang niya...
Lourdes: Teka ho... mamadaliin ko na itong pagsusuklay ng buhok ko...
Olivia: Anak?... matanong nga kita...
Lourdes: Ano po yun, inay?...
Olivia: Ano kamo ang pangalan ng kaibigan mong yan?...
Lourdes: Jun po... pero ang tunay niyang pangalan... yung buo ay Orlando Ortigas Jr...
Olivia: /mangha/... A-ha???!!!!...
Lourdes: /taka/ O, bakit ho, inay?... bakit biglang nagmulagat yang mga mata nyo?... kilala nyo ba siya?... ha, inay?...
Music Bridge
Jun: /smiling/... Itay... may ipapakilala po ako sainyo... si Lourdes... /trans/... Lourdes... ang itay ko...
Lourdes: Kumusta po kayo?...
Orlando: /smiles/ Mabuti... halika... umupo ka...
Lourdes: Salamat ho... ang laki pala ng bahay po ninyo...
Jun: Aba... syempre... masipag yata ang itay ko nung kabataan pa niya...
Orlando: Anak... ang mabuti pa seguro... kunan mo ng maiinom si Lourdes...
Jun: Opo itay... /trans/.. sandali lang, Lourdes... ha?...
Lourdes: Sige...
Jun: ‘Tay sandali lang ho... /fades out/...
Music Bridge
Orlando: /laughing/... nakakatuwa ka ring kausap, Lourdes... parang may kapareho ka ng pagpapatawa...
Lourdes: /lauhing/ Sino po isya, Mang Orlando?... Puwede mo bang sabihin sa akin?...
Orlando: /smiles/ Naku... wag na... ayaw ko na siyang maaalala pa...
Lourdes: Sino po siya?...
Orlando: Ang dati kong kasintahan noon sa college...
Jun: /fading in/smiling/.... oookey... naririto na ang snacks natin...
Orlando: Oy, anak... medyo komedyante naman pala itong kasintahan mo... nakakatuwa eh...
Jun: /smiles/.. Talagang kalog lang ho talaga yan eh... /smiles/...
Lourdes: Asus... /giggles/... nanira pa... /laughs/... o, sige na.. inumin na natin itong hinanda mong snacks...
Orlando: /smiling/... Mabuti pa nga...
Music Bridge
Olivia: /galit/ Bakit ngayon ka lang?...
Lourdes: Eh kasi ho, inay... namasyal pa ho kami ni Jun eh... at kumain na rin ho kami sa labas...
Olivia: Simula ngayon... ayaw ko nang mabalitaan na nakikipagkita ka pa sa kaniya...
Lourdes: /mangha/.. I-inay?!...
Olivia: Oo... ayaw ko sa lalakeng yun para saiyo... at kahit kailan ayaw ko na rin siyang tumuntong dito sa aking pamamahay...
Lourdes: /cries/... Inay... bakit ho?... anong kasalanan nin Jun saiyo?... bakit kayo nagalit sa kaniya?...
Olivia: Ah basta!.... sundin mo ako, Lourdes... hala, pasok na sa kuwarto mo!...
Lourdes: I-inay... ayaw nyo ba akong bigyan ng pagkakataon na marinig and dahilan ng biglaan ninyong pagkagalit kay Jun?... ha?... inay?...
Olivia: Wala na tayong dapat pang pag-uusapan... basta ang sinabi ko saiyo... ayaw ko nang makikipagkita ka pa sa kaniya... binabalaan kita, Lourdes...
Lourdes: /crying/...../fades out?...
Music Finale
Commercial Gap
Music Bridge
Orlando: O, anak... bakit ka nagmumukmok dyan?... may problema ka ba?...
Jun: /sighs deeply/... itay, meron ho eh...
Orlando: Sige sabihin mo sa akin... ano yun, anak... baka makakatulong ako...
Jun: Ang inay ni Lourdes... biglang nagalit sa akin eh.. hindi ko alam kung ano ang dahilan...
Orlando: Baka may ginawa kang masama sa anak niya... kaya, nagalit yun saiyo...
Jun: Naku... wala ho itay... mahal ko po si Lourdes... hindi ko po siya puwedeng gawan ng masama...
Orlando: /smiles/ Naku, anak... kailangan mong gumamit ng third degree ligaw...
Jun: Third degree ligaw?... ano po yun, itay?...
Orlando: Noon ang tawag namin dyan ay ligaw-biyenan...
Jun: Ano ho ang ibig nyong sabihin?... liligawan ko ang inay ni Lourdes?...
Orlando: Correct!...
Jun: /smiles/ Eh bakit ko naman gagawin yun?.. baka magagalit sa akin si Lourdes... at saka... matanda na yun ah... hindi na kami puwedeng dalawa...
Orlando:/chuckles/... hindi mo ako maintindihan eh... ang ibig kong sabihin... paamuin mo ang inay ni Lourdes...
Jun: Sa ano hong paraan?...
Orlando: /smiles?... ganito....buzzzz
Music Bridge
Lourdes: O, bakit ka pumunta rito?... alam mo namang galit ang inay ko saiyo...
Jun: /smiles/ Akong bahala, Lourdes... paaamuin ko ang inay mo...
Lourdes: Ano?... sa anong paraan?...
Jun: Basta manood ka na lang... nariyan ba siya?...
Lourdes: Oo... naririyan... nagbabasa ng pocketbooks na tagalog...
Jun: Good... sige, pupuntahan ko siya...
Lourdes: I-ikaw ang bahala... naroroon siya sa salas...
Jun: /smiles/ o, sige... salamat...
Music Bridge
Olivia: /galit/ Anong ginagawa mo dito?!... sino ang nagpapasok saiyo?!... ha?!...
Jun: /a bit smile/... Si Lourdes po, pero, ako ho ang nagpilit na pumasok dahil gusto ko pong ibigay ito sainyo...
Olivia: /paismid/ Hindi ko kailangan yan!... sige... puwee ka nang lumabas dito...
Jun: /galit na rin/... Teka nga... bakit ka ba nagagalit sa akin... ano bang kasalanan ang nagawa ko laban saiyo?!... ha?!... Aling Olivia?...pakisabi mo nga sa akin...
Olivia: /galit pa rin/ Ah basta!... sige na umalis ka na... at ayaw ko nang makikita pang muli ang pagmumukha mo dito sa loob ng aking tahanan...
Jun: /galit/ hindi ako aalis hangga’t hindi ninyo sinasabi sa akin kung ano ang dahilan kung bakit galit kayo sa akin...
Olivia: /mangha/... Aba?!... kung hindi ka lalabas... tatawag ako ng pulis... ipapapulis kita...
Music Bridge
Sfx: Night Crickets
Jun: /malungkot/... Itay... hindi ko talaga maintindihan kung bakit gayon na lamang ang nakikita kong galit sa kaniyang mga mata.. bakit ganun, itay?...
Orlando:/sighs deeply/... Hayaan mo anak... ako mismo ang tutngo sa kanilang bahat at kakausapin ko ang inay niya... sige na... magpahinga ka na... malalim na ang gabi...
Jun: /sighs deeply/.. Opo, itay... sige ho... /fades out/...
Orlando:/sighs deeply/self/... Ang anak ko... nadamay siya sa nagawa kong kasalanan noon... pero, huwag kang mag-aalala, anak... ako mismo ang tutuwid sa kamaliang nagawa ko noon... ako na mismo...
Music Bridge
Orlando: /sort of anger/...Bakit mo ba dinadamay ang pag-iibigan ng ating mga anak sa mga pangyayaring matagal nang naganap at pinagsisisihan ko na yun!...
Olivia: /galit/ At bakit?!... hindi ba totoong ang anak ay maging katulad din ng kaniyang amang manloloko?!... hindi ba posible yun?... ha?!...
Orlando: /sorrily/... Olivia... matagal na yun... iba ang ating mga anak ngayon... nagmamahal ang isa’t isa... at kapag sinikil natin ang kanilang damdamin... baka kung ano pa ang kanilang gagawin na puwedeng ikapapahamak nila...
Olivia: /firmly/ Buo na ang kapasiyahan ko... hahadlangan ko ang pag-iibigan nila... dahil ayaw kong magkaroon ng isang kumpareng malaki ang kasalanan sa akin... ayaw kong masalinan ng dugo ang aking angkan ng dugo ng mga manloloko... at walanghiya...
Orlando:/galit/...Bakit mo ba idinadamay sa kasalanan ko ang aking anak?... wala siyang kinalaman sa pangyayari sa ating dalawa noon... hindi ako ang nang-iwan kundi ikaw... sinunod mo ang kagustuhan ng iyong mga magulang gayong alam mo namang mahal na mahal kita...
Olivia: /sigaw/... sinungaling!... hindi mo ako ipinakipaglaban... /gasped breath/... wala kang buto.... mahina ka!...
Orlando: At bakit?... ikaw?... anong ginawa mo?... at saka... bakit mo ba ibinabaling sa anak ko ang paghihiganti mo sa akin?... ha?... wala siyang kasalanan... at hindi niya alam ang nangyari noon... wala...
Olivia: /firmly/galit/... Dahil katulad rin siya ng kaniyang ama... walang isang salita... isang manloloko.. manloloko... narinig mo?.../shouts in tears/... manloloko!.../fades out/...
Music Bridge
Sfx: Night Crickets
Olivia: /crying/.../sniffing/...
Lourdes: /fading in/... i-inay... bakit ho kayo umiiyak?... ha?..
Olivia: /sniffs/... w-wala... wala ito anak... b-bakit hindi ka pa natutulog?...
Lourdes: Hindi pa ho ako inaantok, inay...
Olivia: /sniffs/... anak... pasensiya ka na... pati ikaw tuloy ay nadamay sa galit na matagal ko nang tagu-tago dito sa loob ng aking dibdib... di ko kayang maloko ka rin ni Jun...
Lourdes: Bakit ho, inay?... hindi naman ako niloloko ni Jun... mahal na mahal nya ako, inay... at mahal na mahal ko rin siya...
Olivia: /sniffs/ Naintindihan kita... pero, anak may malaking pagkakautang sa akin ang ama niya...
Lourdes: A-ang hindi niya pagsipot sa kasal ninyo noon?... /comfortingly/... inay... hindi kasalanan ni Jun ang pangyayari na nagawa laban sainyo ng kanyang ama... wala siyang kasalanan... wala na, inay...
Music Bridge
Olivia: /atsom/shouting/... hoy!...Orlando... ilabas mo ang aking anak... ilabas mo siya!...
Orlando: Sino ba itong nagsisisigaw sa labas?...
Olivia: Hoy!... kapag hindi mo nilabas ang anak ko... ipapapulis kita pati na ang anak mong manloloko!...
Orlando: Olivia... bakit hindi ka pumasok dito sa loob... huwag kang magsisisigaw dyan na parang pumuputak na manok... kung galit ka sa akin... dito tayo sa loob ng bahay mag-uusap...
Olivia: Hindi na... baka mahawa pa ako sa sakit na naririyan... basta ilabas mo ang anak ko!...
Lourdes: Jun... kailangan seguro lumabas na ako... baka kung ano pa ang magawa ng inay laban sa itay mo...
Jun: /smiles/ No... hayaan natin silang magka-usap...
Music Bridge
Orlando: Ayaw mo talagang tumigil sa kasisigaw ha?... hahalikan kita!...
Olivia: Ano?!... aba’t malakas pa ang loob nitong magsabi sa akin ng ganyan... siya na nga itong may kasalanan... siya pa ang...
Orlando: /torriedly kissed/....
Olivia: /reacts to the kiss/... hmp!... hmp!... hmp!...
Orlando: Aaaaahhh...o, ngayon... ano... natauhan ka na?...ha?...
Olivia: Pweh!... Pweh!... hindi ko kursunada ang halik mo... hindi ko...
Orlando: /cuts in/... Ah ganun ha?!... /kissed?... hmp!.../kissing torridly/...
Olivia: /reacts?... hmp!... hmp!... hmp!...
Orlando: Ah!... hayan... seguro matatauhan ka na ngayon...
Olivia: /crying/...Walanghiya ka!... walanghiya ka!... /crying/...
Orlando: /comfortingly/... Olivia... tama na... hanggang ngayon, mahal pa naman kita eh...
Olivia:/natigilan/... a-ha?...
Orlando: Oo... kay tagal ko ring naghanap... umasa na balang-araw ay makita kitang muli..
Olivia: /sniffs/. Orlando...
Orlando: Oo... mahal pa rin kita... at sa pagkakataong ito... hindi na kita pakakawalan pa, Olivia... hindi na...
Olivia: /tearfully/... Orlando...
Orlando:/firmly/ Ngayon mo sabihin sa akin na hindi mo na ako mahal.. at hindi ako magdadalawang-isip na aalis kaagad sa iyong harapan ngayon...
Olivia: /smiles/.. Hindi ko akalaing magkikita pa tayo, Orlando... kay tagal ko ring naghanap... umaasa... na isang araw magkikita pa rin tayo...
Orlando: At ngayon na yun, Olivia... ngayon na yun... mahal kita... bigyan mo pa ako ng isang pagkakataon na patunayan ko ang pag-ibig ko saiyo.. h-hindi ka magsisisi... I promise...
Olivia: /sniffs/...Oo, Orlando... Oo...
Music Bridge
Jun: O anong sabi ko saiyo... luluhod at luluhod ang inay mo sa itay ko...
Lourdes: /giggles/... di nagkatuluyan din silang dalawa....
Jun:/palambing/... E paano naman ako?... kailan ba tayo?...
Lourdes: Asus... nagmamadali ka na agad... kailangang tapusin muna natin ang pag-aaral natin saka na tayo pakasal... dapat mauna na muna sina itay at inay...
Jun: /mangha/... ha?!...
Music Extro
END