Mga Kuwento ng Pag-ibig

Ito ay mga radio scripts ng mga kuwento sa pag-ibig na isinulat ni Gil Lopez Gregorio Sr na kilala bilang Geopoet sa Cyberspace at Gregorio Lopez Moreno sa panulat niya sa radyo brodkast. Ang mga kuwentong ito ay isinahimpapawid sa mga Drama Programs ng Bombo Radyo Philippines. Nais pong ibahagi niya ang mga ito sa lahat ng mga mambabasa sa buong mundo.

Wednesday, November 03, 2004

Minsan lang kitang mamahalin

Panulat ni: Gil Lopez Gregorio Sr
Direksiyon: Melody Recto
Musika’t Tunog: Ato Reynancia
Teknikal Superbisyon: Gener Gensis
Drama Superbisyon: Josie Bergantin

Music Teaser


Magno: /galit/... Hindi kita minahal ng dahil lamang sa iyong salapi... hindi rin kita inibig dahil sa iyong kagandahang taglay... subalit minahal at inibig kita dahil sa ikaw ay ikaw!...
Liza: /crying/... patawarin mo na ako, Magno... hindi ko sinasadyang saktan ang damdamin mo... ni minsan hindi ko hinangad ito... /sobbing/...
Magno: /shouts/... Oo... dahil nabulag ka sa karangyaang taglay mo... Ang buong akala mo ay buong buhay kitang pababayaan sa lahat ng pinaggagawa mong panlilinlang at pagmamaliit sa akin.. kaya, I’m sorry... aalis na ako...
Liza: /crying heavily/pleading/... Magno, pleaseeee... please... bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon... magbabago na ako, Magno.... /pleading hard/... magbabago na akooooo...../crying heavily/....

Music Theme
Standard Intro
Music Bridge
Scene: Party ng mga sosyal/everybody talking, shouting & cheering

Olivia: O, Liza... kumusta ka na?!... ang ganda-ganda mo na ngayon!....
Liza: /all smiles/... Olive!... ikaw nga ba?!... o my gosh!... you look so wonderful!... /laughs/... kumusta na ang kaibigan kong milyonarya?...
Olivia: Susssss... ikaw naman... ikaw itong mas mayaman eh... Ay!... teka nga pala... nasaan nga pala ang prince charming mo?..
Liza: Hayunnn.... kausap ang mga kaibigan niyang negosyante... /giggles/... alam mo... kahit dito... sige pa rin ang pakiki-deal niya sa business...
Olivia: /smiles/... Ang swerte mo naman... saan mo ba napulot yan... ha?...
Liza: Anong napulot?.... Hoyyyy, hindi ah.... siya itong lumapit at tinuka ako nooo...
Olivia: /smiles/ Well, alam ko naman.... o, ano?... kailan na kayo magkaka-beybi?...
Liza: Naku... wag muna... baka masira lang ang figure ko.... aba!... I’ve spent a lot of money just to maintain my figure... pagkatapos... bibiglain mong maging bulldozer?... /smiles/...
Olivia: Wellll... ako meron na.... so... expect that next few months... mukha na akong bulldozer... /smiles/... O, halika... maupo tayo dun sa lamesa...
Liza: /sadly/ Sige...

Music Bridge

Liza: /galit/.. Bakit ba tuwing nag-aattend tayo ng party at pagka-uwi... para bang bata kang inaagawan ng laruan?... ayaw ko pang umuwi... pero, ikaw naman itong nagmamadali... bakit ba, ha?...
Magno: /calmly/...Eh paano kasi... panay naman ang pa-charming mo sa mga lalake at halos lahat ng atensyon ay nakatuon saiyo dahil sa lakat ng tawa mo na para bang ikaw na ang may-ari ng mundo... hindi ka ba nahihiya?...
Liza:/shouts/.. at bakit naman ako mahihiya?... dpat nga matuwa ka dahil asawa mo ang bida...
Magno:/sighs deeply/... well, oo na... panalo ka na.... kaya, tigilan na natin ang pagtatalong ito... gusto ko nang magpahinga...
Liza: /galit pa rin/... Yan... sa tuwing nawawalan ka ng dahilan... /mimicking/... pagod na ako... matutulog na ako... hoy!... kahit kailan hindi mo hawak ang buong pagkatao ko.. tandaan mo yan... at kahit kailan hindi ko papayagang mangyari yun...
Magno: /galit na rin/...kapag hindi ka pa tumigil sa kangangawa dyan... masasaktan ka sa akin...
Liza: / mangha/... M-magno???...

Music Bridge

Magno: Pare... ang hirap-hirap ng kalagayan ko... para akong nasa gitna ng nag-uumpugang bato eh... ayaw nyang maging submissive sa akin... ang gusto niya, siya ang masusunod... anong gagawin ko, pare?...
Liston: /comfortingly/... Pare... relax ka lang... ganyan talaga ang nagsisimula pa lang ang pagpapamilya... maraming adjustments... pero sa matagalan... segurado akong masasanay ka na rin...
Magno: /sighs deeply/... pare... mahirap talaga ang makapag-asawa ka ng isang socialite... hindi basta-basta... everything you do is by the numbers... kahit na sa pananalita mo... may limitations... huwag kang magsalita ng ganito at ng ganyan... dapat lahat ay praising somebody... even if it is not true...
Liston: /insistingly/... Kailangan mong pag-aralan ang kaugalian ng mundong kanyang ginagalawan, pare... ikaw ang pumili sa kaniya dahil ang sabi mo mahal mo siya... so, magtiis ka...
Magno: /sadly/... Yan nga pare ang ginagawa ko... pero, halos sa akin ang lahat ng pagpapasensiya... pagpapakumbaba... lumagay minsan sa sarili niya mismo... pero, hindi ko kayang magkukunwari... ayaw ko na pare... ayaw ko na...
Liston:/mangha/... What do you mean, pare?... ha?....

Music Bridge

Liza: Aalis lang ako.. may women’s party lang akong pupuntahan....so, hindi puwede ang lalake doon....
Magno: /tunong galit/... anong oras ang uwi mo nyan?...
Liza: Magno... hindi ko alam kung anong oras kami matatapos... alam mo naman kapag kaming mga babae ang nagpaparty... sky is the limit...
Magno: No... not this time... I want you to be back at eleven...
Liza: What?...
Magno: Bakit?... gaano ba ka-importante ang partying yan kesa sa akin?...
Liza: /lovingly/ Love naman... ngayon lang ito... kailangan lang kasi naming magkikita-kitang magkabarkada eh... you know... sort of reunion namin kasi ito eh... matagal na kasing hindi kami nagkaroon ng party noon at ngayon lang ito nasundan...
Magno: /sighs deeply/... Okey... okey... sige na...
Liza: /happily/... Love, thank you very much... anong pasalubong ang guto mo pag-uwi ko mamaya?... come on, tell me...
Magno: /smiles/... Okey... kahit na ano basta umuwi ka...
Liza: Well... okey... byeeee..... /fades out/...
Magno: /self/... Liza... hanggang kailan ko matitiisan itong panloloko mo sa akin?... hanggang kailan?....

Music Bridge
Sfx: Telephone Rings

Magno: Hello?...
Robert: /filtered/... Hello, pare... hindi ka ba pupunta ngayon dito sa party?...
Magno: Hindi muna, Robert... masama ang pakiramdam ko eh...
Robert: Ganun ba?... narito ang misis mo... nakita ko... tinanong ko nga eh... pero ang sabi umalis ka raw para sa isang business trip...
Magno: What?... nariyan si Liza?...
Robert: Oo... kasi parang reunion ito ng women’s club dito sa makati eh... at siyempre... invited din ang husbands... kaya nga nagtaka ako kung bakit hindi ka kasama ni Liza eh...
Magno: Eh sino naman ang ka-partner niya ng dumating...
Robert: Ewan ko... hindi ko ito kilala eh...
Magno: /sighs deeply/... Okey... seguro yan yung sinabi nya sa akin na associate niya sa business undertaking niya sa Taiwan...
Robert: /smiles/... Okey, pare... tinawagan lang kita para alamin ang kalagayan mo... heto, palapit na sa akin si Liza at ang misis kong si Olivia... sige, bye...
Magno: Bye.../telephone down/... /ngitngit/... Liza... ano na naman itong kalokohang pinaggagawa mo... ano?...

Music Bridge

Magno: /galit/ Nasaan ang kotse mo at nakisakay ka?... sino ang lalakeng iyon?...
Liza: Di ba ang sabi ko naman saiyo... isa siyang ka-associate ko sa business?... Ano ka ba?.. Ilang beses ko bang sasabihin ito saiyo?...
Magno: Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko... nasaan ang kotse mo?...
Liza: Well... ayaw umandar eh... may diperensiya... so, nang magdaan si Alex sa akin... nakisakay na rin ako...
Magno: /sighs deeply/...Okey... sige, matulog ka na...
Liza: Hey!... inuutusan mo na yata ako?... alalahanin mong bahay ko itong tinitirhan natin... baka makalimutan mo...
Magno: /mangha/... Liza?!...
Liza: /smiles/... No offense... gusto ko lang sabihin saiyo... na bahay ko ito... at ayaw kong inuutusan ako ng kahit na sino... naintindihan mo?... kahit na ikaw... so, excuse me... /fades out/...
Magno: /calling/ Liza!... Liza!... gusto pa kitang makausap... Liza!...
Liza: /atsom/... Saka na lang, Magno... antok na ako...

Music Bridge

Magno: Mga pare... anong gagawin ko?... ipinamukha na niya sa akin ang...
Robert: /cuts in/... pare... huwag mong tingnan ang negative side sa kaniyang mga sinabi... upset lang yun... wala seguro siyang ibang sabihin...
Liston: /agreaably/ Oo nga naman, pare... baka kasi galit ka ng pagsabihan mo siya... /smiles/... pare... huwag kang malungkot... segurado akong magbabago rin si Liza...
Magno: /sadly/.. Ewan ko pare... pero, minsan... naisip kong hiwalayan ko na lang siya... upang malaya siya sa kaniyang mga gagawin...
Robert: /smiles/... Nasa saiyo yan, pare... lalake ka... kung nagloloko siya... siyempre, apektado ang pangalan mo... pero, sa akin lang... hangga’t hindi mo pa mapapatunayan ang mga duda mo sa kaniya... mahirap yang iniisip mo... ma-impluwensiya ang kaniyang pamilya...
Magno: /sighs/ Anyway... thanks sa payo ninyo sa akin... hayaan nyo... pag-iisipan ko pa kung ano ang dapat kong gagawin...
Liston: Good...

Music Bridge

Olivia: Pareng Magno... hindi ko alam yang mga tinatanong mo sa akin... hindi ko hawak ang isip ni Liza... magkaibigan lang kami... pero sa mga duda mo sa kaniya... yan ang hindi ko alam...
Magno: It’s okey, Mareng Olive... naintindihan naman kita eh... pero... nais ko lang malaman kung totoo ang mga tsismis na nakarating sa akin may lalake si Liza...
Olivia: Pare... hindi naman seguro ganyan kababa ang pagkatao ni Liza eh... hindi nya puwedeng yurakan ang pangalan niya... at lalong-lalo na ang pangalan mo...
Magno: /sighs/ Ewan ko mare... ewan ko...

Music Bridge

Liza: What?!... tinanong niya yan saiyo, Mare?...
Olivia: /worriedly/ Well... not exactly... pero, ganun na rin ang tungo nang aming kuwentuhan nung isang araw... nagdududa siya na may lalake ka...
Liza: Hay naku... kahit na anong gagawin nya... wala siyang makikita sa aking mali... and for all he knows... malapit na rin akong mapupuno sa kaniya eh...
Olivia: Liza?!... bakit ganyan na lang ang pagtingin mo sa kaniya... Bakit?... wala na ba ang dating damdamin mo sa kaniya?... walang pagmamahal na bang namamagitan sain inyong dalawa?...
Liza: /sighs deeply/... Ewan ko kung pagmamahal pa bang maituturing ang sobrang pagdududa niya sa lahat kong ginagawa... ewan ko sa kaniya... pero ako... my conscience is clear... bahala siya... mamatay siya sa selos...
Olivia: Liza?...

Music Bridge

Magno: Oo tinanong ko siya kung may karelasyon kang lalake... bakit?... wala na ba akong karapatan na itanong sa mga kaibigan mo ang mga bagay na kinakalokohan mo?...
Liza: Pero... for God sake, Magno... lalake ka... babae ako... ang kahit na anong gagawin ko... kapag magloko ako... ako pa rin ang mawawalan... at alam ko yan...
Magno: /smiles slyly/... Aba, okey ka rin ano... ha?... ang lakas ng loob mong ipamukha sa akin ang lahat ng pagkukulang ko... pero, ang pagkukulang mo sa akin ay hindi mo man lang naisip na gampanan...
Liza: At bakit?!... nakikinabang ka naman sa kayaman ko ah... hindi ba?...
Magno: What?!... anong ibig mong sabihin?... na nakikihati ako sa kayaman ng magulang mo?... Hoy!... babae!... hindi ako mukhang pera... kung ganyan man lang ang iniisip mo sa akin... ang mabuti pa seguro... maghiwalay na lang tayo!...
Liza: /worriedly/... M-magno?... b-bakit?...
Magno: /galit/... para malaya ka nang gawin ang lahat ng gusto mo... at malaya na rin akong makakagawa ng gusto kong gawin...
Liza: O, sige... ikaw ang naghamon... ed di... ikaw ang bahala... sige... hiwalay na muna tayo...

Music Bridge

Liza: /crying/... Olive... bakit ganun na lang kalakas ng loob niyang makipaghiwalay sa akin... /sobbing/...
Olivia: /comfortingly/... Aba, ewan ko sainyo... kayo naman itong nagdesisyon ah... at kayo na rin ang may alam sa lahat ng inyong mga kamalian...
Liza: /sobbing/... Hindi na niya ako mahal, Olive... seguro meron na siyang iba... meron na rin siyang kinalolokohang babae...
Olivia: Pambihira ka naman... ikaw itong pinagdududahan na may lalake... ikaw naman itong panay ang iyak... bakit?... totoo bang may lalake ka?...
Liza: What?... No!... wala... purely business associates ko lang sila...
Olivia: Welll... baka naman sobra pa sa business associates ang nakikita niya...
Liza: Yan nga ang problema ko eh... halos lahat na lalakeng naghahatid sa akin ay pinagdududahan niyang lalake ko... but it’s not true, Olive... believe me... alam mo naman... mahal ko siya... at siya lang ang minahal ko ng ganito... I’m not that stupid...
Olivia: /sighs/... kaya nga eh... nasa saiyo ang kamalian... how about if you go down your pride at wag kang makipagmatigasan sa kaniya...
Liza: A-anong ibig mong sabihin... magpakumbaba ako?...
Olivia: Exactly!... if you can... kung talagang mahal mo siya... siyempre magagawa mo ulit yung ginawa mo nung una.. di ba?...

Music Bridge

Liza: /firmly/... Magno... puwede ba tayong mag-usap?...
Magno: Para sa ano pa?... di ba hiwalay na tayo?... ikaw ang may kagustuhan nito, di ba?...
Liza: /calmly/ No... I just wanna talk to you... to clear up things... medyo... nalilito ako sa kalagayan nating ito... hindi mo matanggap-tanggap... I’ve never expected this to happen...
Magno: /smiles/ Aba.. nakakapagtataka... ang isang sikat na socialite... may panahon din palang mag-isip tungkol sa kaniyang sarili at pamilya... I thought... ay....
Liza: /cuts in/.. Magno... look... I don’t want to argue... may itatanong lang ako saiyo... /painfully/... kung puwede...
Magno: Sure.... go right ahead... what is it?...
Liza: M-mahal mo pa ba ako?... may pag-ibig ka pa bang nararamdaman sa akin?...
Magno: /sighs deeply/... Ewan ko, Liza... hindi ko na alam... /sighs/galit/... pero ito lang ang nais kong malaman mo... hindi kita minahal ng dahil lamang sa iyong salapi... hindi rin kita iniibig nang dahil sa kagandahan mong taglay... subalit, minahal kita... iniibig kita... dahil sa ikaw ay ikaw... pero... /sighs deeply/.... noon yun....
Liza: /crying/.. P-patawarin mo na ako, Magno... hindi ko sinasadyang saktan ang damdamin mo... ni minsan hindi ko rin hinangad ito... /sobbing/...
Magno: /shouts/... pero sinaktan mo ang damdamin ko sa pinamukha mo sa akin na mas mayaman ka... gagawin ko ito dahil alam kong nabulag ka sa karangyaang taglay mo... ang buong akala mo ay buong buhay kitang pababayaan sa lahat ng mga pinaggagagawa mong panlilinlang at pagmamaliit mo sa akin... kaya... I’m sorry... I have to go...
Liza: /crying heavily/... Magno... pleaseeeeee.... please... bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon... magbabago na akoooooo.... magbabago na ako... /sobbing/...
Magno: /firmly/... Ipakita mo sa akin... /fades out/...
Liza: /crying heavily/shouts/... Magno!... pleaseeeeee..... Magnoooooo!!!!.../sobbing/....

Music Bridge

Olivia: O Liza... bakit nagmamaktol ka na naman?... may problema ka ba?... hindi ka ba nasasayahan sa gagawin nating party?...
Liza: /sighs deeply?... H-hindi, Olive... /sighs sadly/... nami-miss ko na si Magno...
Olivia: Well... cheer up!... it’s not the end of the world yet... malay mo... balang-araw babalik din siya saiyo...
Liza: /sobbingly/... Olive... ngayon ko lang nararamdaman ang tunay na pag-ibig ko sa kaniya... ngayon ko lang napagtanto na kailangan ko pala siya... /sniffs/... it’s not all my money... I need him because he loved me... /sobbing/... please... tulungan mo akong makabalik siya sa piling ko, Olive... pleaseeee... I need him very much... /crying heavily/... pleaseeee ...

Music Bridge

Liza: /sighing lonely/...Anniversary na namin bukas.... wala pa rin siya... /sobbing/... Magnooo... bumalik ka na... handa na akong magbago para saiyo... /sniffs/... iiwan ko na ang lahat... b-basta bumalik ka lang... /sobbing painfully/...
Magno: /fading in/... Liza.... k-kumusta ka na?... happy anniversary...
Liza: /tearfully happy/... M-magno?!... Magno?... b-bumalik ka?... i-ikaw nga ba?...
Magno: Oo... ako nga.... bakit ayaw mo na bang buohin nating muli ang ating pagsasama?...
Liza: A-ha?... N-no... I mean... yes!... gusto ko... i-ikaw ang kailangan ko... /sniffs/... ikaw ang mahal ko.... /smiles/... mahal kita.... a-ayaw kong mawalay saiyo... n-nais kong mapagbago ko ang mga kamalian ko... p-pleaseeee.... give me a chance... please.... /sniffs/...
Magno: Okey... pero... susundin mo ang lahat kong gusto... hihinto ka na sa pagtatrabaho... and I want to have a child... at dito ka na lang sa bahay para maaalagaaan mo nang husto ang magiging mga anak natin... ako lang ang maghahanapbuhay... at ang kayamanan mo ay para lang sa ating magiging mga anak...
Liza: /cuts in/... Yes!.... Yes!... yes ako sa lahat ng kagustuhan mo... yes na yes!... /sniffs/... Oh Magno.... /sobbing/.... mahal na mahal kita.....
Magno: /lovingly/... Liza, mahal na mahal din naman kita eh... ikaw lang itong lumalayo sa akin...
Liza: /tearfully smiles/... I’m sorry, Magno... I’m sorry....

Music Extro

END