Mga Kuwento ng Pag-ibig

Ito ay mga radio scripts ng mga kuwento sa pag-ibig na isinulat ni Gil Lopez Gregorio Sr na kilala bilang Geopoet sa Cyberspace at Gregorio Lopez Moreno sa panulat niya sa radyo brodkast. Ang mga kuwentong ito ay isinahimpapawid sa mga Drama Programs ng Bombo Radyo Philippines. Nais pong ibahagi niya ang mga ito sa lahat ng mga mambabasa sa buong mundo.

Monday, June 07, 2004

Introduksiyon

Ito ang panimula sa aking pagsusulat sa aking sariling wika upang mas lalong maintindihan ng ibang mambabasa lalo sa mga Pilipino na nakatira sa ibang bansa o di kaya'y mga banyaga na gustong matuto ng Wikang Filipino.

Higit sa lahat ang mga kuwentong aking isasalaysay ay naging bahagi na rin ng aking karanasan at nais ko ring ibahagi ang mga ito sa aking mga anak, mga apo at ang mga apo ng mga anak ng aking mga apo hanggang sa kadulo-duluhan ng aking buong angkan.

Kung anumang kamalian sa pagsusulat ay sa akin po iyon at walang iba na puwedeng sisisihin.